All language subtitles for Honor.Thy.Mother.S01E02.1080p.AMZN.WEB-DL.DDP2.0.H.264-The-King-Team

af Afrikaans
ak Akan
sq Albanian
am Amharic
ar Arabic Download
hy Armenian
az Azerbaijani
eu Basque
be Belarusian
bem Bemba
bn Bengali
bh Bihari
bs Bosnian
br Breton
bg Bulgarian
km Cambodian
ca Catalan
ceb Cebuano
chr Cherokee
ny Chichewa
zh-CN Chinese (Simplified)
zh-TW Chinese (Traditional)
co Corsican
hr Croatian
cs Czech
da Danish
en English
eo Esperanto
et Estonian
ee Ewe
fo Faroese
tl Filipino
fi Finnish
fr French
fy Frisian
gaa Ga
gl Galician
ka Georgian
de German
el Greek
gn Guarani
gu Gujarati
ht Haitian Creole
ha Hausa
haw Hawaiian
iw Hebrew
hi Hindi
hmn Hmong
hu Hungarian
is Icelandic
ig Igbo
id Indonesian
ia Interlingua
ga Irish
it Italian
ja Japanese
jw Javanese
kn Kannada
kk Kazakh
rw Kinyarwanda
rn Kirundi
kg Kongo
ko Korean
kri Krio (Sierra Leone)
ku Kurdish
ckb Kurdish (Soranî)
ky Kyrgyz
lo Laothian
la Latin
lv Latvian
ln Lingala
lt Lithuanian
loz Lozi
lg Luganda
ach Luo
lb Luxembourgish
mk Macedonian
mg Malagasy
ms Malay
ml Malayalam
mt Maltese
mi Maori
mr Marathi
mfe Mauritian Creole
mo Moldavian
mn Mongolian
my Myanmar (Burmese)
sr-ME Montenegrin
ne Nepali
pcm Nigerian Pidgin
nso Northern Sotho
no Norwegian
nn Norwegian (Nynorsk)
oc Occitan
or Oriya
om Oromo
ps Pashto
fa Persian
pl Polish
pt-BR Portuguese (Brazil)
pt Portuguese (Portugal)
pa Punjabi
qu Quechua
ro Romanian
rm Romansh
nyn Runyakitara
ru Russian
sm Samoan
gd Scots Gaelic
sr Serbian
sh Serbo-Croatian
st Sesotho
tn Setswana
crs Seychellois Creole
sn Shona
sd Sindhi
si Sinhalese
sk Slovak
sl Slovenian
so Somali
es Spanish
es-419 Spanish (Latin American)
su Sundanese
sw Swahili
sv Swedish
tg Tajik
ta Tamil
tt Tatar
te Telugu
th Thai
ti Tigrinya
to Tonga
lua Tshiluba
tum Tumbuka
tr Turkish
tk Turkmen
tw Twi
ug Uighur
uk Ukrainian
ur Urdu
uz Uzbek
vi Vietnamese
cy Welsh
wo Wolof
xh Xhosa
yi Yiddish
yo Yoruba
zu Zulu

Original subtitles

Salubungin natin ang babaeng mangunguna sa La Familia

tungo sa hinaharap. Ang chairmom ng bayan!

Diana Aragon!

Nagkaro'n po ng food poisoning sa feeding program natin sa Corpuz City.

Simula ngayon, tapos na ang partnership natin.

Kailangan kong malaman ang pinagmulan nito!

Kailangan ko ng kasagutan!

- Ms. D! - Ms. D!

Code blue! Code blue!

Ano'ng nangyari?

Ano pong ginagawa n'yo dito? Bawal po kayo dito.

- Ano'ng nangyari? - Sino ka?

Ano'ng ginawa mo kay Ms. D?

Sino ka?

Patricia?

I-check ang mga koneksiyon.

May nag-loose lang po na koneksiyon.

- Ayusin ko na po, Dok. - Okay, sige. Pakihigpitan.

- Patingin ako. - Okay na po, Dok.

Ano ba 'yan? Sandali lang!

Sandali lang!

Kung makakatok ka naman!

Ano ba 'yan? Ay.

Ay, bakit ho?

Anong bakit?

Magtatatlong buwan na kayong hindi nakakabayad

sa renta ng bahay.

Puro kayo hingi ng palugit.

Puro kayo pangako na magbabayad.

Pero ano? Wala! Nganga!

Madam, magbabayad naman ho kami.

May nangyari lang po kasi.

Baka naman puwedeng...

Ayoko! Negosyo lang 'to, Carlota.

Ngayon, kung hindi kayo makakabayad, magsilayas na kayo!

Puwede naman nating pag-usapan, di ba?

Hintayin lang natin na umuwi si Patricia. Di ba, alam mo...

'Nay, ginamit na ni Ate lahat ng ipon niya.

- Hoy, Martin! Nasa'n na 'yong pera namin? - Hoy, magsilayas na kayo!

Ibalik mo!

Kung ayaw n'yong masaktan, magbayad na kayo!

Oo, ilabas n'yo ang pera namin!

- Ang kapal ng mukha n'yo! - Ang kapal ng mukha n'yo!

Vital signs are stable.

Nagkaroon lang ng problema sa koneksiyon.

Ano ba?

Sabi ko sa 'yo wala akong ginawa, e.

Patricia.

Ikaw nga.

Patricia?

Gusto ko lang ipaalala sa lahat,

na hindi lang ako board member dito,

o isang senior officer.

Ako ang nag-iisang miyembro ng pamilya dito ngayon.

Nabuo ang La Familia dahil sa pamilya namin.

Iisa ang aming paninindigan at mga prinsipyo.

Napatunayan ko na 'yan sa ilang taon kong pagtatrabaho dito.

Agree ako.

Ang majority ng board ay nakapagdesisyon na

na italaga si Teodor Aragon

para sa interim leadership position.

Well, thank you.

Kailangan ko nang magtrabaho kung gano'n.

Meeting adjourned.

Hello, Georgia, anak.

Hulaan mo kung sino ang bagong CEO.

Dad!

May nangyayari dito sa ospital.

Ano?

Bakit mo ako tinitingnan nang ganiyan?

Di mo talaga ako maalala?

Ako si Enzo.

Lorenzo De Leon. 'Yong kalaro mo dati.

Enzo?

Nagtatrabaho ka para kay Mama?

Oo.

Ako ang chief of staff niya.

Sandali. Ano'ng nangyari sa 'yo?

Ang tagal mong hindi nagpakita, a.

Balita ko may nagpapanggap daw na anak ni Ate dito ngayon.

Nasa'n na 'yong scammer?

Hindi siya nagpapanggap, Sir Teddy.

Ano'ng ginagawa mo dito?

Hindi naman siguro ako bawal pumunta dito.

Hindi naman. Pero pagkatapos ng ilang taon,

kung kailan ganito ang sitwasiyon ni Ate,

magpapakita ka?

Ano'ng kailangan mo? Pera? Kasi balita ko,

winaldas ng tatay mo lahat ng nakuha niya sa annulment.

Kung saan-saang negosyong bumagsak napunta.

Ano, siya ba ang nag-utos sa 'yo na pumunta dito?

Wag n'yong dinadamay ang Papa ko dito.

Ayoko lang naman ma-agitate si Ate.

Magising siya, tapos ikaw ang makikita niya.

So, sabihin mo.

Magkano ang kailangan mo?

Sasabihin mo o hindi? Attorney, paki-explain nga.

Well, legally speaking,

wala kang karapatan sa mana habang buhay pa ang nanay mo.

- Alam ko. - Alam mo naman pala, e.

E, kung ganito rin lang na nagkakasindakan tayo ng abogado,

Article 777 ng Civil Code.

Ang karapatan sa mana ay naipapasa lamang

sa sandali ng kamatayan ng tagapagmana.

Habang buhay pa ang magulang,

siya pa rin ang may buong pagmamay-ari sa kaniyang mga ari-arian.

Pero bilang nag-iisang anak,

ako lang ang may karapatan sa mga desisyon sa kalagayan niya.

Mas may karapatan ako kaysa sa 'yo, Tito Teddy.

Puwede ko nga kayong pagbawalan pumunta dito, e.

Tama ba ako, Attorney?

PolSci major ako.

Pre-law. Aral kahit papa'no.

Pero di ako Aragon.

Dela Cruz ako.

Hindi ako makikisawsaw sa gulo n'yo.

Pero wag n'yo rin akong limusan.

Dahil alam nating lahat na mas malaki ang halaga ko

kaysa sa inyong lahat.

'Yon.

E di, tama nga ako.

Mana lang habol mo.

Anong klaseng anak ka?

Bago n'yo 'ko tanungin kung anong klase akong anak,

itanong n'yo muna kung anong klase siyang ina.

- Sandali, sandali, sandali. - Bakit?

- Sandali lang. - Bakit?

Masakit na 'yong paa ko, e.

Akala ko talaga, 'Tay, sasaktan nila tayo.

E, kung di tayo nakatakas baka gano'n na nga ang nangyayari.

Si Patricia, tawagan n'yo na.

Baka umuwi pa 'yon sa bahay, baka kung ano'ng mangyari do'n.

Kanina ko pa nga tinatawagan. Eto, hindi nga sumasagot, e.

Tawagan mo ulit.

Pero, 'Tay, sa'n tayo titira?

'Nay! 'Tay! Di ba, si Ate 'to?

Ano'ng ginagawa ni Ate diyan?

Sigurado ka ba ito 'yong ospital na pinuntahan ni Ate?

Oo nga, sigurado ako ito lang 'yon.

O, mga reporter 'yon, di ba? 'Yan 'yon. Sila 'yon.

Pasensiya na po, a?

Nasa'n kaya si Ate dito?

Wala, nakapatay pa rin 'yong cellphone ng Ate mo.

Mabuti pa maghiwalay tayo.

Para makita natin siya nang mabilis, ha.

- Oo. Sige, sige. Oo. - Mauna na ako sa loob.

Sige, sige.

O, ano, maiwan muna kayo. Bantayan n'yo maigi 'yong gamit, ha?

Pag may nawala diyan…

- Oo, 'Nay. Sige, 'Nay. - Opo, 'Nay.

- Itabi mo. Nakakahiya. - Ay, sige, tara.

Alam mo, sa tingin ko,

malala 'yong lagay ni Diana Aragon.

Kasi ang tagal na, di ba?

Hanggang ngayon, wala pa.

Ni hindi man lang sila nag-a-update kung okay pa ba siya.

Ang tsismis kasi, dumating daw 'yong anak.

Kaya iyon 'yong kuwento na gusto kong malaman.

Pero ang suwerte naman no'n.

Nag-iisang anak.

Ibig sabihin, siya 'yong magmamana ng lahat.

Pa.

Bakit hindi ka nagpaalam kung sa'n ka pupunta?

Pati 'yong mga tawag hindi mo sinasagot.

Kung di pa namin nakita sa balita, di namin alam kung sa'n ka.

Na-lowbatt ho ako, e. Pasensiya na ho.

Ano ho'ng ginagawa n'yo dito?

Pinalayas na tayo do'n sa bahay.

Dinumog pa kami!

Hindi na talaga tayo makakabalik do'n.

Buti nga, Ate, natangay ko pa 'yang bag mo.

At least, may dala akong gamit at saka damit mo.

- Aray, aray, aray. - Salamat.

Pa? Ayos ka lang?

Ayos lang ako. Masakit lang 'yong binti ko, e.

- 'Nay. - O?

O, gutom na ako, 'Nay.

- Gusto ko no'n. - 'Nay, ako rin gutom na.

'Nay, baka naman may pera ka diyan?

Sandali, a.

Naku, wala na yata akong natira na pera, e.

Ako na ho, ako na ho. Ako na.

Tara, tara.

- Pa, kaya? - Kaya.

Yes po, ma'am?

- Sa inyo po? - A, boss,

magkano ho 'yong Japanese siomai with rice?

Fifty lang po ang isang order, ma'am.

Fifty.

Ilan po?

- Apat po. - Okay po.

- Ito po 'yon. - Salamat.

- 'Yan! Thank you, Ate! Thank you! - Oo. Mm-hmm.

- Pahinging kutsara, Ate. - Bigatin ang anak ko, a.

May pa-siomai with rice pa.

- Siyempre. Pa, o. - E, ikaw?

Busog ho ako, e.

- Kain na. O. - Sige.

Ate.

Pahingi po 'ko, nagugutom na po 'ko.

- Hoy, hoy. Layo ka, layo! - Ate, ate!

- Hoy! Hoy, hoy! - Teka, sa amin 'yan!

Hoy!

- Pa, hayaan mo na. Hayaan mo na. - Sorry, Ate.

Hayaan mo na.

Okay ka lang ba?

- Sinaktan ka ba - Okay lang.

Delikado tayo dito sa daan.

- Tao po! - 'Nak.

Sino ka?

Ano'ng ginagawa n'yo dito?

Siya si Patricia. Anak ni Diana.

Anak? Wala namang nababanggit si ma'am, a?

Ano ba'ng nangyayari dito?

- Yaya Cora. - Patricia?

Patricia, ikaw na ba 'yan?

Cora,

pagsabihan mo nga 'yang kasama mo dito.

Hindi marunong kumilala.

Kulang sa manners, e.

E, pasensiya ka na, ha?

Kasi wala pa dito si Benjie no'ng nandito kayo.

E, Benjie, siya si Martin.

Dating asawa ni Ma'am Diana mo.

'Yan naman si Carlota.

Anak ng kasambahay dito dati.

Pinag-aral ng mga Aragon. Nagtrabaho sa La Familia.

Matalik na kaibigan ni Diana 'yan.

Dati.

E, ngayon naman, si Martin at 'yang si Carlota,

mag-asawa na ngayon.

O, ngayon, kilala mo na sila, ha? Mm?

Ang ganda nga ng introduction mo, e.

Ay. Huy.

Bakit ka naparito?

A…

Yaya Cora, baka puwedeng dito muna kami?

Wala kasi kaming matutuluyan, e.

Pansamantala lang ho. Hindi kami magtatagal.

Tuloy kayo.

Wow!

Dito na tayo titira?

Grabe!

Malapalasyo 'tong bahay na 'to.

Anong palasyo?

Parang museleo 'ka mo.

Alam mo, parang tuluyang kinalimutan ka na ni Diana.

Kasi hindi mo ba napansin?

Kahit isang litrato mo, wala.

Patricia, magpahinga muna kaya kayo.

Tapos ipaghahanda ko kayo ng makakain, ha?

Salamat po.

'Nay. O?

Naku naman, Jena. Ginulat mo naman ako.

E, almusal na raw, e.

Ano ba'ng ginagawa mo dito, 'Nay?

- Anong meron? - Tsk!

Wala, may tinitingnan lang.

Wow!

'Nay! Grabe!

Ang gara talaga ng nanay ni Ate!

- Pero, 'Nay. - Hmm?

Ba't di mo naman sinasabi na ganito pala kayaman si Ate?

Nagpapakahirap tayo, tapos si Ate puwede naman pa lang humiling ng tulong.

Mahabang istorya, pero ang punto,

bakulaw kasi ang taong 'yan, e.

Hala, makabakulaw naman 'tong si Nanay.

Sabihin mo nga sa 'kin. Iniisip mo ba na iiwan mo ako?

- Hindi. - Exactly.

Alam mo, isipin mo na lang kung ga'no siya kasamang ina.

Kasi 'yong sarili niyang anak, iniwan siya.

Alam mo ba, simula no'ng humiwalay 'yang si Patricia kay Diana,

kahit minsan, ni isang beses, ha,

walang nakuhang tulong 'yan galing kay Diana.

Grabe naman pala 'yong pinagdaanan ni Ate.

Mas maayos pa rin tayo, kasi ako,

mahal n'yo ako, di ba?

- Love na love n'yo ako. - Oo, 'Nay!

Wow! 'Nay!

'Nay, grabe!

Nakikita ko lang 'to sa mga vlog ng artista, e!

Itong mga bag na 'to,

'Nay, milyon-milyon 'to!

Parang bagay 'to sa 'kin. Parang bagay.

Pak!

- 'Nak. 'Nak. - O?

May solusyon na tayo sa mga problema natin.

Nasa'n na nga pala 'yong damit na binili ko para sa 'yo?

Bakit ito ang suot mo?

Makati po kasi.

Kaya naman pala bumabagsak ka, e.

Puro ka lang nood ng TV.

Patricia.

Naka-lock ho 'yong kuwarto ko.

Ayaw pabuksan ng mama mo.

Ginawa na sigurong bodega.

- Patricia. - Hindi, ayos lang ho.

Tanggap ko naman, e.

- Wala akong halaga sa kaniya. - Pero nagpakita ka.

Dinalaw mo pa rin siya.

Ibig sabihin no'n, nag-aalala ka pa rin para sa kaniya, di ba?

Tiningnan ko lang ho kung makukuha ko 'yong mana ko.

Hmm?

'Yan ho 'yong binibintang sa 'kin ni Tito Teddy, e.

Alam kong hindi totoo 'yan.

Nararamdaman kong may lugar pa ang mama mo diyan sa puso mo.

At hinding-hindi ako mapapagod magdasal

para magkaayos kayong dalawa.

Maayos at stable na ngayon ang vitals mo.

Walang major neurological damage or paralysis.

Puwede na ba akong ma-discharge?

Kailangan ko nang bumalik sa trabaho.

Mahina pa ang katawan mo.

At bilang bahagi ng hospital protocol,

kailangan mong gumamit ng wheelchair

kapag kikilos ka sa susunod na isa o dalawang araw.

Inatake ka sa puso.

Kailangan nating mag-ingat.

Babalik ako para sa iba pang test results.

Thanks, Dok.

Updates.

Dahil po sa poisoning issue,

malaki na po ang drop sa stock price natin.

Iilan din po sa supermarkets ang nag-pull out na ng mga produkto natin

kaya bumaba na rin po ang sales.

At ang mga lumalabas sa media, di na rin po maganda, Ms. D.

Ang victims?

Nasagot na po natin ang pagpapa-ospital nila.

May mga iilan po sa biktima, madali naman pong nakausap at napakalma.

'Yong iba naman, kinakausap pa namin.

Taasan n'yo naman ang alok na tulong pinansyal sa mga biktima.

Kailangang maayos na ito.

- Okay po. - So…

Sino ang nag-asikaso ng lahat habang wala ako?

Itinalaga po na interim CEO si Sir Teddy.

Well,

gising na ako ngayon kaya hindi na kailangan 'yan.

May iba pa ba?

- May bumisita po sa inyo. - Sino?

Si Kamatayan?

Si Patricia po.

- Nasa'n na siya? - Umalis na po siya.

Mukhang hindi naging madali ang buhay ni Patricia.

Madalas po siyang talent sa TV at sa mga pelikula.

Bukod do'n, rumaraket din sa pagbebenta ng kung ano-ano lang.

Wala pong trabaho 'yong tatay niya ngayon.

At 'yong stepmom niya, maliit lang po ang sinasahod sa munisipyo.

Kaya si Patricia po talaga halos ang bumubuhay ng pamilya niya.

Kargo niya po lahat kahit 'yong pag-aaral ng mga kapatid niya.

Mabuti dumating ka na.

Mabuti naman at gising ka na.

At wala kang dapat ipag-alala

dahil inasikaso ko lahat noong nagkasakit ka.

Ano na'ng nagawa ninyo tungkol doon sa poisoning?

Well, obviously, nagkaroon ng impact 'yong krisis sa brand natin.

Obviously.

Naglabas na ba kayo ng pahayag sa publiko tungkol dito?

I mean, head ka ng marketing.

Buti naitanong mo, a…

Ginawa na namin.

"La Familia Corporation official statement.

Nakarating sa La Familia Corporation ang mga report

tungkol sa mga nakainom ng Cala Soda products..."

Teddy, Teddy.

Ang daming taong nasa ospital ngayon dahil diyan.

Pagkatapos ang sasabihin ninyo,

nakarating sa inyo ang mga report?

Ano kaya kung "Lubos kaming nag-aalala",

o "Lubos kaming humihingi ng tawad sa mga biktima at sa kanilang pamilya"?

My gosh!

Tama ka. A, babaguhin namin.

Dapat naisip mo 'yon, hindi ba?

Nagkita kayo ni Patricia?

Pinaalis mo?

Nagpakita siya matapos ang maraming taon, Ate.

Akala niya siguro mamamatay ka na, at makakuha siya ng mana.

Well,

gising, alerto, at buhay ako.

Pero hindi ako masyadong natutuwa.

Alam mong pinakaayaw ko sa lahat,

'yong pinangungunahan ang pagdedesisyon ko.

Ako lang ang dapat magsasabi

kung sino ang bawal at puwedeng bumisita sa 'kin.

Ms. D.

- Ano na naman? - Kailangan n'yong makita 'to.

Naku, may sorpresa ako sa inyo.

Dahil one time, big time lang ito!

Mga galing 'yan ng Italy.

Naku, ha. Pero ang unang-unang item na ibebenta ko, ito.

'Yong Dior na pula at amoy Italy pa!

Pero dahil mahal na mahal ko kayo,

dahil love na love ko kayo,

ibebenta ko 'to ng 20,000 lang.

O, item code 001. 20,000...

Patricia, ano'ng ginagawa mo diyan? Tsk!

Ako na ang magliligpit niyan.

Ako na.

Hindi ho, kaya ko na ho.

Ako naman talaga dapat ang gumagawa nito, e.

Pasensiya na ho, a? Abala kami.

Ako naman dati ang gumagawa niyan para sa 'yo, e.

Ano naman ang sasabihin ng mama mo?

Yaya Cora, mas madalas ko pa kayong kasama no'ng bata ako kesa kay Mama.

E di, hayaan mo namang asikasuhin kita ngayon, ha?

Alam mo, sa totoo lang, sobrang na-miss kita.

Wag ho kayo masyadong maa-attach, ha?

Hindi rin ako magtatagal dito.

At saka isa pa, marami na hong nagbago sa buhay ko.

Diana!

A…

Ms. D.

Dahan-dahan po.

Patricia.

Nakalabas na ho pala kayo.

Kumusta ho pakiramdam n'yo?

Diana?

O? Bakit parang nakakita ka ng multo?

Buhay na buhay pa ako.

Hindi ka pa rin nagbabago.

Nagpapakasasa ka pa rin sa pinaglumaan ko.

Hindi man lang kayo makapaghintay para magdiwang.

At dito mismo sa pamamahay ko?

Hindi ho sina Papa at Nanay Carlota ang nagdesisyong pumunta dito.

Ako.

Ito ba ang pagpapalaki mo sa anak natin, Martin?

Pagtatanggol sa mali?

Kunsintihin ang pagnanakaw?

Sandali.

Wala ho kaming ninanakaw, a!

Pinagbebenta niya ang gamit ko.

Ano'ng pinagsasasabi n'yo?

'Nay!

Hindi ko naman alam na gigising pa 'yan, e.

At saka, ano ba? Gipit na gipit na tayo.

Oportunista ka talaga.

Ms. D, kalma ka lang, okay?

Kami na po bahala. Benjie, security, please.

- Bilis! - A…

Sandali! Sandali.

Ibibigay ko na, e.

- Isaksak mo sa baga mo! - 'Nay!

- Tama na po. - Isama mo sa hukay mo!

Akala mo kung sino kang makaasta, ha?

E, wala ka namang kuwentang asawa, lalong-lalo na wala kang kuwentang ina.

- 'Nay, tama na. - Ano? Ano?

Wala ka namang ipagmamalaki sa 'min, Diana.

Sige, napapalibutan ka ng magagandang bagay,

pero alam nating lahat na mag-isa ka lang.

Kasi walang nakakatiis diyan sa pag-uugali mo.

- Tama na po. - Ano?

- Sige! - Security, paalisin na sila, please!

Ma'am.

Hindi. Hindi ako aalis.

Hindi ako aalis!

- 'Nay! - Ma'am!

- 'Nay, tama na! - Ano ba?!

- Tama na, tama na. - Ate! Ate!

- Teka, bitawan n'yo 'yong nanay ko! - Aray!

- 'Nay, tama na sabi! - Sumama ka sa 'min!

- Aray! - Wag mong hawakan anak ko! Tumigil ka...

Pa!

Tama na!

Tama na, ano ba?!

'Nay! 'Nay! 'Nay! Tayo na.

Hindi n'yo kami kailangang ipagtabuyan.

Kung alam n'yo lang, hindi naman ako pupunta dito

kung alam kong may iba akong pupuntahan, e!

Akala ko lang kasi may nagbago na!

Wala pa rin pala.

Kasalanan ko rin. Ano bang aasahan ko?

E, no'ng humingi ako ng tulong sa inyo dahil

kailangan ko ng isang ina,

wala, hinayaan n'yo lang mapilay si Papa!

Ang tingin mo talaga sa 'kin

wala akong kasingsama, ano?

Dahil 'yon ang pinapakita n'yo sa 'kin.

No'ng naaksidente si Papa…

si Nanay Carlota ang nando'n.

Dina-justify mo na nagnakaw siya?

Sige po.

Tumawag kayo ng pulis.

Pero nakikiusap ako sa inyo.

Ako na lang ang ipakulong n'yo.

Wag ang Nanay Carlota ko.

Wag na wag n'yong gagalawin ang pamilya ko.

Kayong dalawa.

Nakuha n'yo na ang gusto n'yo.

Utang na loob, umalis na kayo.

Umalis na kayo.

Ms. D, kalma ka na.

Tatawag pa po ba ako ng pulis?

Hindi na.

Naiwan ni Patricia.

Bakit mo sila lahat pinapasok kanina, yaya?

Dahil kailangan niya ng tulong.

Diana.

Anak mo pa rin si Patricia.

Nanay pa rin ba ang tingin niya sa 'kin?

Hanggang kailan kayo magtitikisan, ha?

Kung hindi sana nagkaproblema sa La Familia noon,

hindi sana naging ganito.

Hindi sana umabot sa ganito.

Palagi naman po kayong wala!

Hindi lang 'yon, Don Lucio.

May mga nawawalang pera.

Malaki ang posibilidad na may sabwatan sa kompanya.

Diana, may mahalaga tayong pinag-uusapan dito.

A…

Sorry, Papa, kasi si Patricia may school event.

Ang laki ng problema ng kompanya.

Milyon-milyon ang nawawala sa atin.

At 'yan ang iniisip mo?

Bakit?

Huling performance na ba ni Patricia sa school?

Mamamatay ba 'yong anak mo pag hindi ka nakapunta?

Nangako ako, Pa.

Ang daming tao at trabaho ang nakasalalay dito.

At ipagpapalit mo lahat 'yon

para pumunta sa isang school program, ha?

Kung gano'n, umalis ka kung gusto mo!

Tiyakin mo lang na dadalhin mo lahat paglabas mo

dahil wala ka nang babalikan dito.

Sige, ano pa ho ang iuutos n'yo sa 'kin, Papa?

Wala ka na bang ibang kuwintas na maisuot

na hindi nakakasilaw?

Papa, ano pa ba ang gusto n'yo sa 'kin?

No'ng pinapili n'yo ako noon sa inyo ni Martin,

ang pinili ko, si Martin dahil magkakaanak kami.

Pamilya kami.

Pero di ba kayo ang nagpabalik sa 'kin dito

dahil wala kayong tiwala kay Teddy?

So, gano'n pala ang tingin mo?

Hindi mo naisip na kahit na nagkamali ka,

pinatawad kita at pinabalik kita?

Kailan mali ang magmahal?

Kailan mali ang piliin ang pamilya?

Hindi lang ito dahil sa kompanya.

Dahil mas higit pa ang nararapat sa 'yo!

Sa palagay mo ba, magiging maligaya ka

at kontento sa buhay kung ikaw ay isang housewife?

Sasayangin mo lang ang galing at talino mo

sa isang lalaking hindi mo ka-level.

Diyos ko, Diana, aminin mo na!

Kung hindi ka nabuntis ng lalaking 'yon,

hindi mo siya pakakasalan.

Totoo ang sinasabi ko!

Magnanakaw kayo!

Papa'no kita pagkakatiwalaang manahin ang kompanya ko kung ganiyan ka?

Ha?

Hinayaan kitang ikaw ang umayos no'ng event.

Ano'ng nangyari?

Palpak!

Wala kang desisyon na tama, e.

Una sa lahat, 'yang asawa mo!

Nagpakasal ka sa isang talunan!

Tanggapin mo na, Papa.

Asawa ko si Martin, may anak kami.

Aba'y sabihin mo sa 'kin kung hindi mo kaya.

Para ngayon pa lang, sunugin na natin ang La Familia hanggang maabo!

Imbes na nag-asawa ka ng isang titulado,

ang pinili mo, isang mababang trabahador ng La Familia.

Isang pulpol at kalahati!

Hindi po pulpol ang Papa ko!

Patricia!

Puwede kong itawag kahit ano'ng gusto ko sa papa mo.

At ikaw, Aragon ka.

Matuto kang kumilos nang ayon sa apelyido mo.

Patricia, doon ka na muna sa labas.

Patricia!

Nakita mo, ha?

Nakita mo kung pa'no ako sagutin no'ng anak mo?

Pinagtatanggol lang niya ang Papa niya.

Hindi n'yo siya empleyado o board member.

Hindi ko hahayaang tratuhin n'yo siya tulad ng pagtrato n'yo sa 'kin.

Papa.

Anuman ang pagkadismaya n'yo sa 'kin,

wag n'yong ipasa sa anak ko.

Aayusin ko ang nangyari ngayong gabi.

Pero pagdating sa anak ko, ako ang masusunod, Papa.

Maaaring hindi ako naging perpektong ama sa 'yo,

pero wag mong kalilimutan,

sa bawat pagkakataong naging matigas ako sa 'yo,

'yon ay dahil alam kong may ibubuga ka.

Napakalupit ng mundo!

At kaya ako ganito sa 'yo dahil pinalalakas kita.

Diana, ikaw ang nakatadhanang mamuno sa La Familia!

Legacy natin 'to.

Ngayon, mangako ka sa 'kin.

Ipangako mo sa 'king magpapakatatag ka.

Mangako ka sa 'kin na hindi mo pababayaang bumagsak

ang La Familia.

Papa! Papa!

Ma'am.

Ano'ng balita?

Sampu ang namatay, lahat empleyado ng factory.

Dalawa ang sugatan.

Si Sir Lucio at si Cecilia Pineda.

Pero hinihintay na lang siyang magising.

Nasabihan na rin po ang mga anak niya.

Ano ba ang ginagawa ni Papa sa factory?

Naiipit na po tayo sa mga kliyente umpisa no'ng tumigil ang production.

Tumatawag na rin ang mga bangko.

Ano'ng sabi ng insurance?

Kailangan nating makabangon agad.

Hinihintay ko na lang po 'yong final report ng Fire Protection.

Para makumpirma nila na hindi sinadya ng kompanya ang sunog.

Ma'am, sige po.

Bakit meron ka nito?

Sa factory ka nagsindi?

Patricia, sabihin mo sa 'kin, ano'ng ginawa mo?

Talaga, iha? Sigurado ka? Sinabi niya 'yon?

Opo, sir.

Narinig ko pong sinabi ni Lolo.

"Sunugin na natin ang La Familia hanggang maabo"?

Excuse me. Sino kayo?

Police investigator po, ma'am.

May ilang follow-up questions lang po kami tungkol sa sunog.

At ako naman po ang insurance investigator na humahawak sa claim ng property.

Bakit pati anak ko, kailangan n'yong kuwestiyunin?

Lahat po ng anggulo, kailangan po naming tingnan.

At nando'n po 'yong anak n'yo sa sunog.

Pero wala kayong pahintulot.

Menor de edad lang 'tong anak ko.

A, pinayagan ko na, Diana.

Nagtatanong lang naman sila, at saka, nandito naman ako.

Patricia, bakit mo sinabi 'yon?

Bakit mo sinabi 'yon?

Sinabi ko lang po 'yong narinig ko kay Lolo.

Sinira mo lahat!

Umuwi ka na. Tatawagan ko 'yong driver.

- Pero, Mama… - Patricia!

Kahit ngayon lang, pakinggan mo naman ako!

Hindi mo naiintindihan!

Hindi mo alam kung gaano kalaking gulo itong ginawa mo!

Umuwi ka na!

Umuwi ka na!

Code blue!

- Excuse me po. - Papa…

Ma'am, sorry po. Pasensiya na po.

Di po muna kayo puwede dito. Sorry po.

No heartbeat. Start compression.

Time of death: 5:17 p.m.

Papa…

Papa!

Wag… Wag, Papa!

Diana, tama na! Tama na!

- Bitawan mo ako, hayop ka! - Tama na!

Hayop ka!

Hayop ka!

Ikaw! Ikaw, tinuring kitang kaibigan! Pamilya!

Pa'no mo nagawa sa 'kin 'to, ha?

- Diana, tama na, tama na! - Pinabayaan mo siya!

Pinabayaan mo, sinalo ko.

Ano? Laging ikaw na lang 'yong sinusuwerte, ha, Diana?

Ano, porke't gusto mo, nakukuha mo?

Dahil ano? Dahil mayaman ka, ha?

- Ako? - Diana!

Matagal na tayong may problema!

May anak tayo.

Hindi mo man lang ba siya inisip?

Ha? Hindi mo siya inisip!

Hindi mo 'ko deserve! Hindi!

Sino sa Mama mo o sa Papa mo ang gusto mong samahan?

Kay Papa po.

Diana?

Teka. Ano'ng ginagawa mo dito?

Annulled na tayo. Wag ka nang manggulo.

Sa 'yo lang ako nakipaghiwalay, hindi sa anak ko!

Wag mo akong punuin, Martin, ipapakulong kita!

Sandali!

Wag mo pong ipakulong si Papa!

Patricia,

tama na, okay?

Nakuha mo na ang gusto mong patunayan.

Umuwi na tayo, anak.

Pahihirapan mo pa ba 'yong bata?

Hindi ko siya pinagkait sa 'yo.

Kaya nga ako pumayag sa visitation rights, di ba?

Bakit kailangang ilayo mo sa 'kin ang anak ko?

Dahil sa 'kin niya gustong sumama!

Ano ba tingin mo? Ini-enjoy ko trabaho ko?

Ginagawa ko 'to para sa kinabukasan niya!

Ginagawa ko 'to para sa kinabukasan mo.

Kinabukasan ko? Kapag umuwi po ba tayo,

magiging nanay ka na sa 'kin?

Mamahalin n'yo na ako?

O sisisihin mo pa rin ako dahil sa nangyari kay Lolo?

Hindi mo alam ang sinasabi mo.

Ayokong sumama sa 'yo!

Hindi pa ba sapat ang nakuha mo sa 'kin no'ng nakuha mo ang annulment settlement?

Halos lahat, binigay ko na sa 'yo, lahat ng gusto mo,

pero hindi kasama ang anak ko do'n!

Magfa-file ako ng sole custody!

E di, gawin mo.

Magkita tayo sa korte.

Halika na.

Matagal nang nilason ni Martin ang puso ni Patricia.

Naiintindihan ko ang nararamdaman mo.

Naiintindihan ko rin si Patricia.

Alam kong maraming sama ng loob kayo sa isa't isa.

Si Patricia ang nagdesisyong putulin ako sa buhay niya,

yaya.

Kailan ba natatapos ang pagiging ina?

Kinaya ko namang mag-isa.

Kung hindi na niya ako kailangan,

hindi ko na rin siya kakailanganin.

Pero…

masaya ka ba?

Masaya?

Binangon ko ang buong La Familia mula sa abo.

At kung sa tingin ni Patricia,

na ako na ang pinakamasamang tao sa mundo,

wala na akong magagawa.

Kaya kong tanggapin na wala na siyang pakialam sa 'kin.

Kung puwede sanang maibalik ang lahat...

Hindi na natin kayang ibalik ang lahat sa dati, yaya.

Pero naniniwala ako

may rason kung bakit…

bakit kayo nagkita ulit.

- Jena, tumulong ka nga. - Mabuti na lang sumagot ka sa 'kin kagabi.

Wala na akong ibang matatawagan, e.

Okay lang 'yon.

E, late naman talaga ako natutulog.

- At saka, bessie. - O?

Hiramin n'yo muna 'to para may magamit kayo.

- Oo nga. Thank you, ha? - O, 'Nay.

- Dito, dahan-dahan. - Wala 'yon. At saka buti na lang,

may available na rentahan 'yong tiyahin ko.

E, ibig sabihin no'n,

puwede na tayong magsabay lagi sa mga audition.

Oo nga.

Ay, thank you.

Tinext ka rin ba? Di ba, naghahanap ng talent ngayon?

Oo. Gusto mo sabay na tayo?

- Mag-CR lang ako, ha? - Mm-hmm, sige.

Ate.

Salamat ulit, a?

Kasi iniisip mo pa rin kami.

Basta tatandaan mo,

responsibilidad ko kayong lahat.

Hindi ko kayo pababayaan.

Salamat, Ate, ha?

A, Patricia,

baka hindi na sapat 'yong pa-talent-talent mo.

Mukhang kailangan mo nang maghanap ng mas regular na trabaho.

Lumalaki na kasi 'yong gastos natin, e.

Tapos 'yong kinikita ko, hindi naman na sapat para sa ating lahat.

Wag kayong mag-alala.

Maka-jackpot lang ako ng negosyo,

hindi n'yo na kailangang magtrabaho.

- Ano, bessie? Okay ka na? - Mm-hmm. Tara.

O, teka, ihatid ko na kayo sa sakayan.

Sige po.

- Mag-ingat kayo, ha? - Opo.

- Sige po. - Ingat.

O, April, ikaw na ang bahala diyan.

Nakakainis talaga!

Nasa mansiyon na tayo tapos bumalik na naman tayo sa ganito?

Ano ba 'yan!

Alam mo, Ate, mas okay nang ganito kesa sa wala tayong bahay.

E, parang naiinis pa rin ako sa ginawa sa atin ng nanay ni Ate!

Sayang naman 'to, o.

Ang gaganda ng mga picture ko. OOTD!

Naiinis pa rin ako!

Lagi kong nakikita 'yong mukha ni Ms. Diana dito!

Nakikita 'yong mukha? Ano?

Ito, 'Nay, o.

Na-video-han ko 'yong ginawa niya sa 'tin.

Mm!

Naareglo na namin lahat tungkol sa mga naging biktima.

'Yong iba, kailangan pa ng konti pang pagkumbinsi,

pero confident ako na matatapos ito.

Ang gusto ko lang ay makausad na tayo.

Magse-set na 'ko ng meeting kasama ang Burger City

para ayusin ang nangyari.

Excuse me. Maganda 'yan, pero…

mukhang may isa pa tayong PR nightmare.

Ano'ng ibig mong sabihin?

Kaka-send lang sa 'kin ni Georgia 'yan.

Trending daw sa social media, at tungkol sa 'yo

at sa pamilya ni Patricia.

April, tama na.

Tama na!

- Guards! Tama na! - Tama na!

Kayong dalawa.

Nakuha n'yo na ang gusto n'yo.

"Iyan ba ang chairmom?"

- "Mas mukhang chairmonster." - Tama na.

"Kaya pala hindi nagpapakita sa kaniya ang anak niya."

- Sabing tama na. - "Anong..."

I'm sorry, Binabasa ko lang 'yong comments.

Sa ilang dekada, ang image ng La Familia,

kasama ng bawat pamilya.

Ang silent member ng pamilya.

Maaapektuhan ang brand!

Sino pang tao ang maniniwala sa brand natin?

Alam mo naman ang mga tao, e!

Hindi nila gusto 'yong nakikipag-away sa sariling dugo't laman.

Sinusubaybayan ang stocks natin.

Kapag hindi natin ito nakontrol kaagad...

Marami nang pinagdaanan ng La Familia.

Higit pa sa walang kwentang viral video na 'yan.

Sana wag n'yo 'yang kalilimutan

na bago kayo mag-panic na parang amateur.

Alam mo ang by-laws natin, Diana.

Kapag bumaba ng 30 percent ang value ng shares natin,

magkakabisa ang probisyon ng poison pill.

Idi-dilute n'yo ang shares ko?

May usapan na dito sa loob.

Tungkol sa leadership stability.

Pag nagpatuloy pa 'to,

kapag nagpatuloy ang pagkawala ng tiwala ng publiko,

baka kailangan na nating palitan ang pamunuan.

A.

So, lahat pala ito, doon ang papunta?

Isang insidente, pinag-uusapan n'yo na agad ang kapalit ko?

Lilinawin ko lang.

Babalik sa ayos ang La Familia.

Makakabawi ang kompanya.

At pag nangyari na 'yon,

aasahan ko ang bawat isa sa inyo na pinagdudahan ako,

at 'yong mga mabilis makalimot,

na tandaan

na ako ang dahilan kung bakit nakatayo pa rin ang La Familia.

Meeting adjourned.

Mga inggrato!

O, Ate, okay ka lang?

Ayos lang.

Alam mo…

baka kailangan mo rin silang pakinggan.

Pakinggan? Sila?

Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa kompanyang 'to?

Look, hindi ko sinasabing mali ka.

Pero may punto rin naman sila.

I'm sorry, Teddy,

pero ikaw ang huling taong hihingan ko ng payo.

Alam mo, kayo? Kayo ni Papa?

Parehong-pareho kayo.

Umikot na 'yong mundo n'yo dito sa kompanyang to.

Ibinenta mo na ang kaluluwa mo para sa kompanyang ito.

Nakikipagsabwatan ka ba sa kanila, Teddy?

Ano'ng sinasabi mo?

- Kakampi mo ako. Magkapatid tayo. - O, kalokohan!

Pasensiya na kung hindi natupad ang pangarap mong palitan ako.

- Ano ba, Ate? - Hindi ba totoo?

Mula nang umuwi ka, hindi ba, 'yon ang gusto mo?

Hindi ba, pagkatapos mamatay ni Papa,

kinuha mo ang mana mo dahil sinabi mong gusto mong magsimula

sa sarili mong mga paa.

Pero ano? Bumalik ka pa rin.

Dahil pumalpak ka.

Hinding-hindi ko hahayaang gawin mo 'yon sa La Familia.

Ako ang La Familia.

Hindi ko hahayaan na pabagsakin mo ang kompanyang 'to.

Pero, 'Nay, mali ho kasi.

Ako na naman 'yong mali ngayon.

Ba't ba…

Ba't mas kinakampihan mo 'yang Diana na 'yan?

Sa bagay, siya lang naman 'yong nag-iri sa 'yo.

E, ano ba naman ako?

Ako lang naman 'yong nagpalaki sa 'yo.

Hindi ko po siya kinakampihan.

Mali lang po talaga 'yong ginawa n'yo, 'Nay.

Walang kinalaman ang iri dito.

Hindi n'yo dapat pinakalat 'yong video.

Kailangang maramdaman ng mga tao

na ang La Familia pa rin ang kinalakhang nilang brand.

CAMPAIGN THEME: CALA SODA PA RIN ANG KINALAKHAN NILANG BRAND

Balikan natin ang emosyonal na pinagmulan nito.

Pagpapahalaga sa pamilya. Kalinga. Pagkakaisa.

No, no. Joey, teka.

- A… - Diana, may problema ba?

Oo, Joey.

Safe at madaling hulaan.

Para kayong gumagawa ng Christmas o Valentine campaign.

- Diana... - Pareho pa rin, gaya pa rin ng dati.

Wala akong alam! Hindi totoo ang binibintang mo!

Anong wala kang alam?

Eto 'yong nababagay sa 'yo!

Hold, hold! Okay, out ang double. Bianca, pasok!

Out, double!

A, wait! Cut, cut!

Isa pa daw.

- Isa pa po? - So…

Chairmom Diana, plano naming ibalik ang tiwala sa pamamagitan ng sinseridad.

Gaya ng nakikita n'yo…

- Next. - Action!

Wala akong alam. Hindi totoo ang binibintang mo!

Anong wala kang alam?

Eto 'yong nababagay sa 'yo!

Hold! Okay, out, double!

- Pasok. - I propose

na mag-launch tayo ng major apology campaign.

Pathetic. Next.

Next.

- Next. - Hayop ka!

Walang-hiya kang hayop ka!

Hold, out, double, out, double. Bianca, in.

Simula sa line mo, Bianca, okay?

Hayop ka!

Wala akong inagaw sa 'yo!

Mas nauna niya akong mahalin bago ikaw!

Cut! Good take, actors! Very good, very good!

Nakakabuwisit!

Alam ko, Ms. D.

Pero meron pa tayong isang natitirang pitch.

Papasukin mo.

At ikaw si?

Ricardo Salvador.

PR consultant, crisis management expert.

Nag-handle na ako ng politicians, celebrities, corporations,

at Silver Graph Hall of Famer.

Anong agency?

Ms. D, parang wala siyang agency.

Independent ako.

Ako ang kumakatawan sa sarili ko.

So, ano ang advertising campaign mo?

'Yon ang una mong pagkakamali.

Excuse me?

Tinitingnan mo 'to bilang isang advertising issue.

Pero image crisis ang problema mo.

Diana, ang problema mo,

masyado na kayong nagsisinungaling.

Sa ilang dekada, pinapakita n'yo na perpektong pamilya

basta may Cala Soda sa mesa.

Pino-portray mo na perpekto ang La Familia.

Kaya tinawag mo ang sarili mo na chairmom.

Pero walang ganiyan, Diana.

Kailangan mong ipakita 'yong totoo.

Messy ang pamilya.

Minsan, nag-aaway 'yan. Minsan, nagsisigawan.

Minsan, nagkakasakitan.

Pero sa bandang huli,

isang pamilya pa rin sila.

Anong patalastas ang naiisip mo?

Hindi mo kailangan ng isa na namang fake-smiling campaign.

Ang kailangan mo

ay isang tell-all sit-down interview.

Interview?

Akala kasi ng mga tao, alam na nilang lahat ang kuwento mo.

So…

bigyan mo sila ng sarili mong bersiyon

bago ka pa maunahan ng iba.

At iniisip mo na maaayos niyan lahat?

Siyempre hindi.

Pero mababago no'n ang usapan.

Diana.

Ang tingin kasi ng mga tao sa 'yo ngayon

ay untouchable.

Hindi na interesado ang mga tao ngayon sa perfection.

Ang kailangan nilang makita, pagiging totoo.

At magtiwala ka.

Ang pamilya ninyo ay napakadaling i-market.

Salamat, Mr. Salvador,

sa oras mo.

- Enzo. - Ms. D?

Alamin mo lahat tungkol diyan sa Ricardo Salvador na 'yan.

Alamin mo kung totoo ang credentials niya.

At gusto kong malaman

kung bakit sobrang interesado siya sa gulong ito.

Ano pa ang hinihintay mo?

Ahm, ang Cala Soda po ay bumaba sa pangalawa.

Ahm…

First time po in years.

Ano?

Distributors natin, nag-cancel po ng orders.

Tapos pati po 'yong groceries, convenient stores,

nawawalan na rin po sila ng sales.

At lalo pong lumalaki 'yong consumer boycott calls nila online.

Tumahimik ka! Labas!

Sige po.

Ms. D?

Tapos na pong mag-background check.

Ituloy mo na.

Ricardo Salvador, nag-aral sa isang top-notch university sa Indonesia,

nag-top sa klase nila.

Hall of Famer ng Silver Graph Awards.

Totoo po ang mga sinasabi niya.

Kilala siyang isa sa best crisis doctors.

For instance, isang politician sa Indonesia na nasangkot

sa isang major corruption scandal,

napa-re-elect niya.

Isang tech company na nagka-data breach,

napaikot niya na maging innovation story.

At isang artistang inakusahang nagdodroga,

nabago niya ang image at naging survivor.

Expert po siya sa pagmaneobra ng public perception, Ms. D.

Bakit siya bumalik sa Pilipinas?

Gusto niyang gawin ang gusto niya.

Nagtatayo siya ng sariling practice dito.

Mag-set ka ng meeting kasama siya.

Inagaw mo ang asawa ko! Kulang pa 'yan sa 'yo!

Cut! Good take.

- Okay 'yon. O, reset tayo. - Okay ka lang? Okay.

Different angle lang for safety.

Ingungudngod po ulit ako, Direk?

- Ikaw 'yong double, di ba? - Opo.

Paayos ka lang doon sa makeup para okay 'yong continuity natin, ha?

- Sige po. - Kaori, gano'n na gano'n, ha?

- Okay, Direk. - Safety first, ha?

- Oo naman, Direk. Dinaya ko lang. - Mahal ko ang buhay ko.

- Mahal ko ang buhay ko. - Okay ka lang?

- Upo ka muna. - Andy, anak, halika dito.

- Sige po. - Ingat po, a?

Bigyan mo na nang konting intensity, ha?

- Sige nga, sukatin mo nga. - Okay, Direk.

Okay lang ba sa 'yo na 'yong mukhang…

Patricia.

Sir.

Naku, nakakatuwa naman. Alam n'yo 'yong pangalan ko.

Kayo po producer dito?

Hindi.

Ako si Ricardo Salvador.

Bagong PR specialist ng La Familia.

May iaalok sana ako sa 'yo.

Kailangan ko lang ng cooperation mo.

Koneksiyon nga sa Mama ko, ayoko ko, cooperation pa.

Lubog ka sa utang.

Kailangan mo ng pang-areglo

para sa gusot ng tatay mo.

Babayaran ka namin.

Para makapagsimula ka ulit.

May kapalit 'to, panigurado.

Katulad lang ng lahat ng bagay sa buhay.

Pero isa lang ang masisiguro ko sa 'yo.

Mas madali 'yon kesa dito.

Eto ang calling card ko.

Pag-isipan mo.

Perfect role to para sa 'yo.

Sa likod ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa,

ano nga ba ang totoong kuwento?

Base sa initial report, inatake sa puso si Diana Aragon

matapos pumutok ang issue ng food poisoning

sa isang feeding program nila.

- Kulang pa 'yan sa 'yo! - Eto 'yong nababagay sa 'yo!

Umalis na kayo!

Sa kauna-unahang pagkakataon,

maghaharap ang mag-inang matagal nang pinag-uusapan ng buong bayan.

At ngayong Linggo,

babasagin natin ang katahimikan.

Ang eksklusibong panayam na hinihintay ng lahat.

Diana Aragon, Patricia Aragon Dela Cruz.

Ina at anak, magkakaharap, magkakasagutan

at walang iiwasan.

Ngayong Linggo na sa…

Uncovered.

Ms. D? Patricia?

Mag-uumpisa na po ang interview.

Pupunta na.

Okay na po, Ms. D.

Isa pa rin siyang Aragon.

Kailangan ko pa rin siyang bantayan.

Nakuha ko ito sa ilang mapagkakatiwalaang source.

Magtatrabaho na si Patricia sa La Familia.

Wala ho sa usapan nating papasok ako sa La Familia.

Di lang si Diana ang makikinabang dito.

Ito ang makakapagpabago ng buhay mo.

Walang excuses.

- Kaya? - Kaya!

Bakit ka nakikialam sa isang bagay

na wala naman sa scope of work mo?

Bakit mo sinisigawan ang anak ko?

Pinagsasabihan ko siya kasi may ginawa siyang mali.

Ang sabihin mo, may galit ka kay Patricia.

Hanggang ngayon po ba, gano'n pa rin ang tingin n'yo sa 'kin?

Can't find what you're looking for?
Get subtitles in any language from opensubtitles.com, and translate them here.