All language subtitles for Honor Thy Mother - 1x14 PEND SUB

af Afrikaans
ak Akan
sq Albanian
am Amharic
ar Arabic
hy Armenian
az Azerbaijani
eu Basque
be Belarusian
bem Bemba
bn Bengali
bh Bihari
bs Bosnian
br Breton
bg Bulgarian
km Cambodian
ca Catalan
ceb Cebuano
chr Cherokee
ny Chichewa
zh-CN Chinese (Simplified)
zh-TW Chinese (Traditional)
co Corsican
hr Croatian
cs Czech
da Danish
nl Dutch
en English
eo Esperanto
et Estonian
ee Ewe
fo Faroese
tl Filipino
fi Finnish
fr French
fy Frisian
gaa Ga
gl Galician
ka Georgian
de German
el Greek
gn Guarani
gu Gujarati
ht Haitian Creole
ha Hausa
haw Hawaiian
iw Hebrew
hi Hindi
hmn Hmong
hu Hungarian
is Icelandic
ig Igbo
id Indonesian
ia Interlingua
ga Irish
it Italian
ja Japanese
jw Javanese
kn Kannada
kk Kazakh
rw Kinyarwanda
rn Kirundi
kg Kongo
ko Korean
kri Krio (Sierra Leone)
ku Kurdish
ckb Kurdish (Soranรฎ)
ky Kyrgyz
lo Laothian
la Latin
lv Latvian
ln Lingala
lt Lithuanian
loz Lozi
lg Luganda
ach Luo
lb Luxembourgish
mk Macedonian
mg Malagasy
ms Malay
ml Malayalam
mt Maltese
mi Maori
mr Marathi
mfe Mauritian Creole
mo Moldavian
mn Mongolian
my Myanmar (Burmese)
sr-ME Montenegrin
ne Nepali
pcm Nigerian Pidgin
nso Northern Sotho
no Norwegian
nn Norwegian (Nynorsk)
oc Occitan
or Oriya
om Oromo
ps Pashto
fa Persian
pl Polish
pt-BR Portuguese (Brazil)
pt Portuguese (Portugal)
pa Punjabi
qu Quechua
ro Romanian
rm Romansh
nyn Runyakitara
ru Russian
sm Samoan
gd Scots Gaelic
sr Serbian
sh Serbo-Croatian
st Sesotho
tn Setswana
crs Seychellois Creole
sn Shona
sd Sindhi
si Sinhalese
sk Slovak
sl Slovenian
so Somali
es Spanish
es-419 Spanish (Latin American) Download
su Sundanese
sw Swahili
sv Swedish
tg Tajik
ta Tamil
tt Tatar
te Telugu
th Thai
ti Tigrinya
to Tonga
lua Tshiluba
tum Tumbuka
tr Turkish
tk Turkmen
tw Twi
ug Uighur
uk Ukrainian
ur Urdu
uz Uzbek
vi Vietnamese
cy Welsh
wo Wolof
xh Xhosa
yi Yiddish
yo Yoruba
zu Zulu

Original subtitles

Idinedeklara na ang bagong presidente

ay si G. Ricardo Salvador!

Walang patas sa nangyayari ngayon.

Hindi ko padadaliin ang buhay mo.

Lahat ng sikreto umaalingasaw kahit ano'ng tago mo.

Anong karapatan mong iuwi 'yang dati mong asawa

sa bahay ng pamilya namin?!

Wala na ba talaga kayong kahit konting kahihiyan?!

Paano nalaman ni Patricia na dating asawa mo 'ko?

Si Diana lang ang may alam no'n.

Hindi dapat makarating si Patricia sa summit.

Gawin mo ang lahat para hindi siya makapunta.

Hinanap ko 'yong panaderya na 'yon.

Malakas ang kutob ko na nasa paligid lang si Sir Teddy.

Kailangan na nating mapuntahan agad 'yon.

Opisyal nang itinanghal si Ricardo Salvador

bilang bagong CEO ng La Familia.

Binibini, puwedeng makitawag? Emerhensiya lang.

Binibini, puwedeng makitawag? Makikitawag lang ako.

- A! - Patawad po.

Patawad po, ma'am.

Tingnan mo nga 'yong dinadaanan mo.

Patawad po.

Hello, Oliver? Kumusta?

Nagawa ko 'yong pinapagawa mo, bessie.

Tagumpay!

Pero bumoto ka pabor dito.

Ginawa ko lang 'yon kasi alam kong

hindi 'yon magugustuhan ni Patricia.

Alam mo, Carlota, hindi ko na alam

kung ano na po 'tong pinag-uusapan natin.

Malaki ang kita ng La Familia

galing sa Cala Soda.

Kaya nga siya kinuha ng Burger City, di ba?

'yong bagong lasa.

Sa tingin mo ba, hindi ko alam 'yong ginagawa ko?

Ang sa 'kin lang, malaking pera

ang pinasok naming mag-asawa dito sa La Familia.

Ayokong mawala 'yon!

Magtiwala ka lang sa 'kin.

Wag kang mag-alala, bessie.

Sinimulan ko na.

Ano ba kasi ang balak mo sa La Familia?

Gusto kong lumabas ang katotohanan

at malantad lahat ng kasalanan.

Malaki ang problema natin.

Malakas ang pakiramdam ko

- may alam na 'yong matanda. - Walang-hiya ka!

Ha!

Alam mo, lasing ka lang

- kaya ka ganyan kapraning, e. - Hindi.

Sa tingin mo ba, makakalampas tayo sa matandang 'yon?

Baka pati anak ko, mawala sa 'kin.

Sisirain niya ang buhay natin.

Hindi ako papayag.

Bakit hindi ka gumagana?

- Hmm. - Don Lucio.

A... Ano'ng ginagawa mo rito? Ba't wala ka sa party?

A... Maghahatid lang po sana ng ulam sa asawa ko.

Shift pa po niya.

Nasisiyahan ba naman si Enzo?

Ay, naku. Opo.

Kailangan masira natin lahat ng ebidensya.

- 'Yong... 'Yong pruweba na... - Ano?

na lahat ng kinuha nating pera sa kumpanya.

Ano'ng sinasabi mo? Malinis lahat.

Walang makakaalam na may ginawa tayo!

Kaya nga gumawa ako ng paraan, hindi ba?

'Tsaka kaya nga kita tinawagan, e.

Para manggulo ka.

Hahayaan na lang ba natin na may makita silang ebidensya

laban sa 'tin? Ha?

Punyeta ka, Carlota!

Naku! Pinagkatiwalaan kita!

Hindi ko mapagana!

Pa'no 'to?

A... Medyo magpapahangin lang ng konti.

Babalik na rin do'n.

- Sige po. - Sige.

Punta na po 'ko do'n.

Sige.

Carlota, sandali!

Carlota! Uy! Sandali!

Hoy! Kayong dalawa!

Papatayin n'yo ba 'ko, ha?!

Hoy! Halika rito! Halika rito!

Bitiwan mo 'ko!

Don Lucio!

- Bitiwan mo 'ko! - Halika rito!

Halika!

Hoy! Walang-hiya ka!

Hayop ka!

- Sandali. - Ha! Hayop kang babae ka!

Humanda ka dahil makukulong ka na!

Dahil wala akong atrasong pinalalagpas!

- Ha! - Hindi ako papayag!

Bitiwan mo 'ko!

Bitiw!

Tulong!

Tulong!

Kumusta? Nahanap n'yo ba si Tito Teddy?

Oo. Pero nakatakas pa rin siya.

Georgia, sinubukan mo na bang tumawag sa bahay n'yo?

Oo. Pero wala siya do'n.

Tumawag na rin ako sa lahat ng puwede niyang puntahan.

Pero wala siya.

Bakit ka tumawag?

Ma'am, may problema.

Si Teddy, nakatakas.

Ricardo, sumagot ka.

Ricardo, sumagot ka.

Ma'am, sa inyo ba ho 'tong sasakyan?

Kay Ricardo. Bakit? Ano'ng nangyari?

Ma'am, may tama ho 'yong kotse. Nasagi ng isang bisita.

E... Hinahanap nga namin siya, e.

Gusto ho sanang makausap no'ng bisita.

Sabihin mo diyan sa bisita,

babalikan na lang namin siya agad.

Sabihan n'yo ang mga bisita.

May gulo sa rampa.

Wala munang magpapadaan, ha.

Sige. Sige. Sige. Sige.

Ma'am, pasensya na. Bawal po pumunta dito.

- Ha? - Hindi po ligtas. May nag-aaway.

Patawad, ma'am. Patawad, ma'am.

Sige na nga. Do'n na 'ko sa likod dadaan.

Ano ba!

Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!

Patawad po, ma'am.

- Di ko po sinasadya. - Pa'no kung nasugatan ako?

- Patawad po, ma'am. - Lumayo ka sa 'kin.

Asa'n na 'yong manager n'yo?

Nasa'n na 'yong manager n'yo!

Ano'ng nangyari dito?

- Sir... - 'Yang serbidor ninyo, ha.

Tatanga-tanga. Sisantehin n'yo 'yan. Sisantehin n'yo.

Patawad po, ma'am. Patawad po.

Pero kitang-kita ko ho lahat.

Kasalanan talaga ni ma'am.

Kung hindi naman niya itinulak, hindi naman malalaglag, e.

- Ano? - Ma'am.

A... Ako ba pinagkakaisahan ninyo dito?

Ma'am, hindi ho. Aksidente ho.

- Humanda ka sa 'kin. - Kitang-kita ko ho, ma'am.

- Humanda ka sa 'kin. - Wag kayong ganyan.

Siguraduhin n'yong mapipigilan 'yong babaeng 'yon, ha?

Ako na ang bahala.

Ang dami n'yo pang gagawin. Sige na, sige na. Sige na.

Inaasahan ang mga malalaking pagbabago

ng La Familia Bottling Company,

sa pagtalaga bilang CEO ni Ricardo Salvador,

ang asawa ng yumaong si Diana Aragon.

Kasabay nito, nadagdagan din ng mga bagong miyembro

ang board ng kumpanya.

ng La Familia Bottling Company para sa shareholders summit

para pag-usapan ang direksyon kung saan nila dadalhin

ang kumpanya matapos ang trahedya ng pagkamatay

ng dating nitong CEO

na si Diana Aragon.

'Yang babaeng 'yan.

Hindi dapat nandiyan 'yan!

Tawagan mo si... si Patricia. Tawa... Tawagan mo, bilis!

- Opo, 'Tay. Opo, 'Tay. - Bilisan mo!

Tatawagan ko po.

Wala kang sasabihan na kahit sino tungkol dito.

Diana!

Diana!

Diana!

Mang Nestor. Ano ho ang nangyari?

Patricia, may kailangan kang malaman.

Sino ho siya?

Patricia.

Ako si Emmy.

Hindi mo na siguro ako nakilala.

Maliit ka pa no'ng nagtatrabaho ako sa lolo mo,

Ano ho ang ginagawa n'yo dito?

Alam mo ba kung bakit nasa La Familia si Carlota

at kung ano'ng ginagawa niya do'n?

Marami na hong nangyari.

Pero ngayon,

naging shareholder siya kasama ng bagong asawa niya.

Wala siya dapat sa La Familia.

Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya.

Ano ho ang ibig n'yong sabihin?

Marami na hong napapahamak dahil sa nangyari

sa La Familia.

Ginagawa namin ang lahat para mailigtas ang kumpanya.

Kung may nalalaman pa ho kayo, sabihin n'yo na sa 'kin.

Bago mamatay ang lolo mo,

nalaman namin na nagnanakaw sa kumpanya si Carlota,

at...

si Martin, 'yong tatay mo.

Si Papa?

Sir, lumabas na po 'yong resulta no'ng paunang imbestigasyon.

A...

Pero kailangan pa ho natin ng mas matinding ebidensya

para po makapagsampa po tayo ng kaso.

Sususpendihin n'yo po ba sila

habang gumulong po ang imbestigasyon?

Wala kang sasabihan na kahit na sino tungkol dito.

Sir?

Ako na ang bahala dito.

Baka nagkakamali ho kayo.

Imposible. Hindi gagawin ni Papa 'yon.

Gusto niya sana

Alam niyang maaapektuhan ang pamilya mo.

Hindi.

Hindi. Hindi puwede. Hindi puwede.

Patricia.

Totoo ang sinasabi ko.

May pruweba po ba kayo sa sinasabi n'yo?

Nawala na lahat kasama ng sunog.

Papa!

Ano ho ang ginagawa ni Lolo sa pabrika no'ng sunog?

O! Diyos ko!

Patricia!

Nasa'n si Diana?

Nakita ko si Diana!

Diana!

Ricardo, wala dito si Patricia.

Hindi nga siya nakadalo ng summit, di ba?

Ricardo.

Pinagtitinginan ka na nila. Halika na.

Pumasok na tayo sa loob.

Halika na.

Ba't niya hinahanap si Miss D?

Ang galing talaga ng direktor natin, o. Tagumpay!

Sigurado ka bang tulog na 'to?

Oo, tulog na 'yan.

E, 'yong dugo 'tsaka kutsilyo?

O.

O.

O, ito na.

Basta para kay Patricia.

Sulit na sulit talaga 'yong mga workshop natin no'n, 'no?

O, anak.

Ginabi ka.

Nagluto ako ng ulam kanina.

Itong a...

Ito, gulay...

at isda.

Halika na.

Magsabi kayo ng totoo, Pa.

Gusto ko sa inyo mismo manggaling.

Totoo bang nagnakaw kayo ni Nanay Carlota

sa La Familia noon?

Pa, magsalita ka.

Totoo ba?

Nagnakaw kayo ni Nanay kasama ni Cecilia Pineda?

Pinaglalaruan nila 'ko.

Kumalma ka muna.

Bago lalong lumala ang iisip ng mga shareholders.

Ano... Ano ba'ng sinasabi mo?

Patay na si Diana!

Ano 'yon?

Si Teddy nakatakas.

Ricardo.

- Ricardo. Tama na. - Ano?!

Nasasaktan ako, Ricardo.

Wag!

'Yong CCTV na nilagay ko sa mansyon noon,

sigurado ako, nadiskubre na nila.

At lahat ng ginawa ko kay Diana.

Walang nakakaalam sa totoong ikinamatay ni Diana, di ba?

Binabalikan ako ni Patricia.

Pa'no nila nalaman ang lahat kung...

kung patay na si Diana?

Bakit n'yo pinagnakawan si Lolo at si Mama?

Paliwanag n'yo sa 'kin. Hindi ko maintindihan!

Anak, patawarin mo 'ko.

Malaki ang sama ng loob ko sa lolo mo no'n.

bilang asawa ng nanay mo.

Patawarin mo 'ko.

Magkasama sina Cecilia Pineda at si Lolo

sa pabrika no'ng nagkasunog.

Ano'ng ginagawa nila do'n?

Si Cecilia Pineda ba ang nagsunog ng pabrika?

Hindi ko alam.

May kinalaman ba kayo ni Nanay Carlota sa sunog?

Wala.

Anak, wala akong kinalaman do'n!

Ano'ng nangyari?

Diyos ko!

'Yong sunog na 'yon

ang naging ugat ng lahat ng 'to!

Anak.

Anak.

Kahit kailangan, wala akong hiningi sa inyo, Pa.

Pero alam nating dalawa kung paano nasira ang buhay ko

dahil sa mga nangyari noon.

Utang na loob.

Katotohanan lang ang hinihingi ko.

Alam kong napakarami n'yo nang pagkakamali.

Pero gusto ko pa ring maniwala

na gusto n'yo pa ring itama ang mga pagkakamali n'yo.

Anak. Anak...

Anak!

Ito ang resulta ng pagsusuri ng abo ni Diana.

Hindi abo ng tao.

Imposibleng si Diana.

O.

Ano'ng nangyari do'n sa imbestigador na kausap ko no'n?

'Yong nag-iimbestiga sa katawan ni Diana?

Pinahanap ko.

Pero walang pulis na nagtugma do'n sa pangalan na binigay mo.

Mukhang isa 'to sa pagpapanggap na ginawa nila.

Hindi dapat malaman ni Patricia na alam ko na 'yong totoo.

Kailangan lumabas ni Diana.

Ano'ng balita do'n sa paghahanap kay Teddy?

Hinahanap na ng mga tao natin.

Paano kung makita siya nina Patricia?

Kalma. Kalma.

Kung talaga ngang nakita siya nina Patricia,

e bakit hindi pa tayo inaaresto?

Si Carlota ang isipin mo

dahil 'yon ang pinakatuso sa lahat.

Mukhang tuloy ang pagbili ng asawa niya ng kumpanya.

Mukhang nagbabalak sila na mag-take over.

Sir, pinatawag n'yo daw ako?

Nasaan si Patricia no'ng summit?

Nasa ospital kami no'n.

Tulad ng sinabi ko sa inyo.

Inuwi ko lang siya pagkatapos no'n.

Buong araw kaming magkasama.

Mukhang si Patricia 'yong pinakatuso sa lahat, ha.

Kahit na malayo, nakakakilos.

Tatapusin ko ang lahat ng 'to.

Walang magagawa si Patricia

at kahit sino pang multo para pigilan ako.

Pakiayos nang mabuti

para do'n sa town hall mamaya, ha?

Sige po, ma'am.

Town hall? E, bakit hindi na lang harapan?

Aba, hindi ko alam.

Si Patricia.

O, Patricia. Ano'ng ginagawa mo dito?

May malaking anunsyo daw si Ricardo.

Andito ako para alamin kung ano 'yon.

'Yon nga. Malakas ang ugong ng balita.

Magtatanggalan daw ng empleyado.

Patricia, alam mo ba 'to?

Hindi ako papayag na mangyari 'yon.

Patricia.

Para namang may magagawa ka.

'Yan naman talaga ang gawain n'yo, e.

Inaasahan ko na 'yan sa inyo.

Ang saktan kami ni Mama.

Ano'ng sinasabi mo?

Hindi n'yo na 'ko maloloko ngayon.

Kahit noon pa, kumakampi kayo

sa gustong magpabagsak sa La Familia.

Bakit ko naman gugustuhing bumagsak ang La Familia?

Gusto ko nga na mas magtagumpay at tumagal

'tong kompanya na 'to nang matagal na matagal.

Pero ako na ang may-ari.

Gagawin ko ang lahat

maagaw ko lang ang lahat ng 'to sa 'yo.

At sisiguraduhin kong hindi mangyayari 'yon.

Lalabas din ang lahat ng ginawa n'yo noon,

'Nay.

G. Smith, puwede ba kitang makausap?

Pasesya na. Marami akong ginagawa.

- Kailangan kong asikasuhin-- - Pakiusap, isang minuto lang.

Tungkol ito sa misis mo.

Makinig ka, kung may problema sa pagitan n'yong dalawa,

ayokong masali diyan.

At sinasabi ko sa 'yo, Bb. Dela Cruz,

poprotektahan ko kung ano'ng makakabuti sa asawa ko.

May kailangan akong sabihin sa 'yo tungkol sa kaniya.

Pakiusap.

Sir? Naririnig mo ba 'ko, sir?

Sir? Naririnig mo ba 'ko, sir?

Sir. Ibalik lang po natin 'to, sir.

Georgia.

Sir?

Georgia, ang anak ko.

Teddy Aragon.

La Familia.

Ako si Teddy Aragon.

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Alam ko na marami na kayong naririnig, mga balita

tungkol sa La Familia.

Hmm. Ayan na. Sasabihin na niya.

Nadinig n'yo siguro ang mga 'yan dahil napag-usapan namin 'yan

sa shareholder summit na naganap kailan lang.

Para naman tayong bibitayin niyan, e.

Wag nga kayong ganyan. 'Tsaka wag kayong kabahan.

Hmm. Bakit wala diyan si Patricia?

Marami na po ang nangyari sa La Familia.

Pero hindi maiiwasan ang pagbabago.

Kailangan nating sumabay sa agos para mabuhay.

Kaya kinalulungkot ko man sabihin sa inyong lahat 'to,

pero magsisimula na kami

- Sino 'yon? - Hmm. Wag naman sana.

Ako, wala silang gamit sa 'kin, di ba?

Hindi mangyayari 'yan!

Patricia, hindi ka kasali dito.

Wala kang tatanggaling empleyado.

Gagamitin ko ang lahat ng mana ko para iligtas sila.

Pinagbotohanan na namin 'yan.

At 'yan ang napagdesisyunan ng board.

Bitiwan n'yo 'ko!

Huwag n'yo akong hahawakan!

Hindi ibig sabihin no'n

wala nang puwedeng kumontra sa 'yo.

Alam ko 'yang ginagawa mo.

Binubura mo ang lahat ng bakas ng nanay ko

dito sa La Familia.

Kasama ang lahat ng empleyado niyang

matagal niyang pinrotektahan.

Patricia, kahit ano pang sabihin mo,

wala ka nang magagawa.

Nagkakamali ka.

Sa suporta ko,

kami na ngayon ang bagong mayorya,

at sinusuportahan ko si Ms. Dela Cruz.

- Narinig n'yo 'yon? - Ligtas tayo, ligtas tayo...

- Diyos ko! Diyos ko! - Narinig n'yo 'yon?

Ano'ng nangyayari?

Sabihin mo sa 'kin kung ano'ng nangyayari.

Ha?

Johnny, ano bang--

Ginamit mo ako.

Tinitiis ko na nga lang 'yong matandang 'yan, e,

para lang makuha ko 'yong La Familia, e.

Sabi nila, nakakaintindi ka raw ng kaunting Tagalog.

Naiintindihan mo ba ang sinasabi nila sa video?

Anong kasinungalingan ang sinabi mo sa asawa ko?

Hindi, hindi, hindi.

Wala siyang sinabi.

Napanood kitang kausap si Ricardo.

Narinig ko ang sinabi mo.

Na tinitiis mo lang ako, ang matandang 'to,

dahil gusto mong makuha ang La Familia.

Kahit kailan, inggrata ka!

Hindi na ako papayag

na sirain mo ulit ang pinaghirapan ng pamilya ko!

Hindi ako papayag na makuha mo ang La Familia!

Sige na!

Sunugin n'yo na!

Tigilan mo na 'to.

Gagawin ko ang lahat

para mabawi ko ang kompanya ng mama ko.

Patricia...

Binibigyan ko ng bagong buhay ang La Familia.

Ikaw...

Gusto mo lang protektahan ang ginawa ng nanay mo.

Tigilan mo na ang palabas mo.

Alam ko kung bakit mo ginagawa 'to.

Anak ka ni Cecilia Pineda!

Sa tingin mo, itatanggi ko 'yon?

Oo!

Anak ako ni Cecilia Pineda!

Ang taong pinagbintangan ng nanay mo

na sumunog ng La Familia noon!

Ang taong sinira n'yo ang pangalan at dignidad!

Para ano?!

Para pagtakpan ang mga kasalanan n'yo!

Panahon na para ipaghiganti ko ang nanay ko.

Kasalukuyang nilalamon ng apoy

ang lahat ng mga pabrika ng La Familia Bottling Company.

Nagulat na lamang ang mga trabahador

nang biglang sumabog at sumiklab ang apoy

sa loob at labas ng mga gusali.

Kaya agaran nilang nilikas ang mga lugar.

posibleng sinadya ang pagsunog.

ang nasa likod ng magkakasunod na insidente.

Muling niyanig ng isa pang napakalakas na pagsabog

ang isa pang pabrika ng La Familia.

Ricardo, sa tingin mo ba, sa ginagawa mong 'to,

nabibigyan mo ng hustisya ang nanay mo?

Oo!

At nagsisimula pa lang ako.

Ang kompanyang pinagbentahan ng nanay mo ng kaluluwa niya.

Tama na.

Nahanap na namin si Tito Teddy.

Nagbibigay na siya ng testimonya sa mga pulis

at darating na ang mga pulis dito.

Puwes...

Patricia!

Kailangan nang malaman ng lahat ang totoo.

Ikaw ang totoong may kasalanan!

Nasa kamay mo ang dugo ng nanay ko!

Dahil ikaw ang totoong sumunog ng La Familia noon!

Ako po ang imbestigador noon sa sunog sa La Familia.

Binayaran po ako ng tauhan ni Diana Aragon

upang pagtakpan ang anak niyang si Patricia.

Dahil siya ang dahilan ng pagkasunog ng pabrika noon.

Patricia.

Enzo, puntahan mo na muna si Patricia.

Mas kailangan ka niya ngayon.

Ako na ang bahala kay Tatay.

Sige.

Sir, kailangan n'yong magpadala ng pulis ngayon sa opisina.

- Opo, sir. Opo, sir. - Ngayon na, bilis.

Bitiwan n'yo 'ko!

Hindi ako!

Hindi ako ang nagsunog ng La Familia!

Hindi lang ako ang tao sa pabrika

no'ng gabing nangyari ang sunog.

Nando'n si Nanay Carlota!

Patricia.

Naghahanap ka ng ibang masisisi?

Ha?

Wala akong alam sa pinagsasasabi mo!

- Tama na! - Pa.

Tama na!

Martin.

Kailangan mong malaman ang totoo, Ricardo.

Martin, tumigil ka.

Sinabi ba ng nanay mo

kung ano'ng ginawa namin no'n?

Martin!

Ako, si Cecilia, at si Calota...

magkakakuntsaba kami na nagnakaw sa La Familia.

Gano'n ka na ba ka-desperado, Martin?

- Ha? - 'Yon ang totoo.

Kakuntsaba namin si Cecilia.

Dahil pakiramdam namin no'n,

pinagkaitan kami ni Don Lucio.

Kinain ng galit si Cecilia.

Kaya kami nagnakaw.

Gusto naming gumanti.

Kaya may kasalanan din ang nanay mo!

Martin, tumigil ka na!

Halika na! Tumigil ka na!

Carlota, hindi na natin matatago ang katotohanan!

Hindi na!

Hindi.

Wala... Wala akong kasalanan!

Wala akong kasalanan!

Si Diana!

Si Diana ang may kasalanan ng lahat ng ito!

Huwag mong isisisi sa mama ko ang kasalanan n'yo!

Walang ibang ginawa ang mama mo

kundi agawin sa akin lahat!

Sinabi mo sa akin noon...

na hindi puwedeng lumabas ang sikreto natin.

Ano ba talaga ang alam mo?

Sabihin mo na!

- Aminin mo kung ano ang alam mo! - Hindi, hindi. Wala, wala.

Umamin ka, Carlota!

Oo, nasa pabrika ako!

Ano'ng ginawa mo doon?!

Kasama si Cecilia sa plano.

Martin, ginawa ko lahat 'yon...

para walang makaalam sa ginawa natin.

Niligtas kita.

Niligtas kita dahil sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo.

Akala n'yo ba, sa ginagawa n'yong 'yan,

makakatakas kayo sa pagnanakaw na ginawa ninyo sa akin, ha?

Matagal na akong may suspetsa sa inyong dalawa.

Mga magnanakaw!

Sino ang totoong magnanakaw sa atin, Lucio?

Ikaw ang nagpapakasasa sa lahat ng pinaghirapan ko.

Bakit? Ano ba ang ipinagmamalaki mo, ha?

'Yong recipe mo?

Sa tingin mo ba, hindi namin binago 'yon?

Ideya ko 'yon!

Trabahador lang kita!

Inisip mo ba bakit hindi ka umangat-angat sa kompanyang ito?

Kung bakit ka natanggal?

Kasi baliw ka!

Nakita naming lahat, wala ka sa tama!

Hindi totoo 'yan!

Napakalupit mo talaga!

At ikaw. Isa ka pa, ha.

Ang tapang mo, ha.

Pagkatapos gawin ng pamilya ko ang lahat para sa 'yo,

ito pa ang isusukli mo sa akin, ha?

Ni wala naman akong intensyon na tulungan ka noon, e.

Naawa lang sa 'yo si Diana.

Sa totoo lang,

hindi ka naman espesyal.

Anak ka ng isang alila.

Panghabambuhay na utusan.

Anong sabi mo?

Hindi ba totoo?

Kitang-kita ko, inggit na inggit ka sa anak ko.

At...

Pinagnanasaan mo pa 'yong asawa niya.

Nasaan nga pala si Martin?

Hindi ba kasama n'yo siya dito, ha?

Walang kinalaman si Martin dito.

Alam ko magkakuntsaba kayo, e.

Hoy, aso ka lang sa paningin ko.

Pinakakain.

Pinatitira.

Pero alam kong darating ang araw,

sasagpangin mo rin ako.

Dahil kahit ano'ng mangyari, alam mo...

Hayop ka talagang matanda ka!

Ha!

- Hayop ka! - Ano ba?!

Bitiwan mo!

Bitiwan mo!

Hayop ka!

Halika na, hindi tayo puwedeng makita dito!

Papatayin n'yo ba ako, ha?!

Lagi mong sinasabi...

na ginawa kitang panakip-butas kay Diana.

Pero ang totoo,

ako ang ginamit mo!

Para masabi mo na natalo mo si Diana!

Namatay ang lolo ko sa sunog na 'yon!

Nasira ang relasyon namin ng mama ko

dahil sa sunog na 'yon!

Ano?!

Nagdurusa kaming lahat, tapos ikaw nanood ka lang?!

Kinaya ng konsensya mo 'yon?!

Hinayaan mo na sisihin ko 'yong sarili ko

sa pagkamatay ng lolo ko!

Hinayaan mo na maniwala kami na iba ang may kasalanan!

Na si Cecilia ang sisisihin!

Ha?!

- Hayop ka, Carlota. - Huwag! Huwag!

Pinabayaan mo ang nanay ko!

Hindi mangyayari sa kaniya 'yon kundi dahil sa 'yo.

Ricardo, huwag!

Sabi ko na nga ba traydor ka, e.

Sige!

Lumapit ka. Ha!

Uunahin ko 'yong anak mo.

Huwag!

Tama na, Ricardo!

Harapin mo lahat ng ginawa mo!

Sa tingin mo papayag ako...

na mapunta sa wala ang lahat?!

Lalo na 'yong hirap na pinagdaanan ng nanay ko?!

Magbabayad kayo!

Enzo!

Tama na, Ricardo!

Hindi mo na sila kailangang idamay.

Ako ang kailangan mo, di ba?

Nandito na ako!

Paano ka nakaligtas?

Hello?

Si Patricia Dela Cruz po ba ito?

Oho. Sino ho sila?

Tungkol po ito kay Diana Aragon.

Pinatawagan ka po niya.

- Ma! - Anak.

Ayos lang si Mama. Tahan na.

Anak...

Patawarin mo ako.

Hindi ako nakinig sa 'yo noon.

Patawad.

Patawad, anak.

Ang mahalaga, ligtas ka, Mama.

Doc, ano'ng nangyari?

May saksak siya sa dibdib.

Mabuti at hindi ito tumama sa puso.

Sa sternum ito tumama.

Buto ito sa gitna ng dibdib.

Kung hindi ito ang nangyari at napalalim ang saksak,

baka hindi na siya nakaligtas.

Maiwan ko muna kayo.

Hayop...

Hayop na Ricardo.

Si... Si Teddy?

Kasama n'yo na ba siya?

Mama, hindi pa namin alam kung nasaan si Tito Teddy.

Sigurado ako...

hawak siya ni Ricardo.

Miss D, kailangan din natin itong isumbong sa pulis.

Hindi.

Kailangan muna nating masiguro na ligtas ang kapatid ko.

Delikadong tao si Ricardo.

Pinagplanuhan niya ang lahat ng ito.

Kaya kailangang pagplanuhan din natin nang mabuti

ang lahat laban sa kaniya.

Pag nalaman niyang buhay pa ako,

sigurado akong sasaktan niya si Teddy.

Ano hong plano n'yo?

Kailangang maniwala si Ricardo nang buong-buo

na patay na ako.

Naasikaso ko na ang lahat sa morgue.

At may kasunduan na rin kami ng tauhan doon.

Kaya kolektahin n'yo na lang 'yong abo

at dumiretso na kayo sa kolumbaryo.

Kailangang mauna ako sa kolumbaryo

para wala nang magawa si Sir Ricardo.

Bibigyan ko ng hustisya ang ginawa niya sa 'yo.

Hingin mo kay Enzo ang numero ni Albert Meneses.

- Sino po siya? - Mabuti siyang kaibigan.

Parte rin siya ng La Familia.

Matutulungan ka niya, anak.

May miting ako kay Mr. Meneses. Bakit wala pa siya?

May iba po siyang miting na pupuntahan.

Kanino daw?

Kay Patricia Dela Cruz po.

Ang bagong presidente, Mr. Ricardo Salvador!

Alam ko 'yong ginagawa niya.

Kapag lumaban ka sa board, magmumukha ka lang desperado.

Hayaan mong lasapin ni Ricardo ang munting tagumpay niya.

Diskarte ang kailangan, hindi ingay.

Magpanggap ka na nagpatalo ka na.

Para magpabaya siya.

Saka natin siya aatakihin

kapag kampante na siya.

Nasa tamang tiyempo ang lahat.

Nakita ko ho 'yong pampatulog sa kuwarto n'yo.

Bigay sa akin ni Ricardo 'yan.

At mula nang dumating siya sa buhay ko,

binabantayan niya ang bawat galaw ko.

Gagamitin ko 'to sa kaniya.

Ano'ng ibig mong sabihin?

Ibabalik ko sa kaniya ang lahat ng ginawa niya sa inyo.

Patricia...

Ako na ang bahala diyan.

Miss D, nagawa na po namin 'yong pinapagawa ninyo.

Mahusay, Oliver.

Sasabihin ko sa inyo kung kailan kayo gagalaw.

Mag-ingat kayo.

Salamat po, Direk, este, Miss D.

Sige.

Sinasabi ko na nga ba, e.

Buhay ka.

Ginagago n'yo ako ng anak mo?

Ma! Mama!

Pero hindi na ako magtataka.

Dahil masamang damo ka, Diana.

Kung sino man ang pinakamagaling magsinungaling sa lahat,

ikaw 'yon!

Gagawin mo ang lahat

Hindi ginusto ni Mama na saktan si Cecilia!

Anong hindi?!

Ninakaw niya ang pinaghirapan ng nanay ko!

Hindi totoo 'yan!

Hindi totoo 'yan.

Sinungaling!

Kung meron mang ginawa ang nanay ko,

'yon ay dahil sa pagiging ganid n'yo ng tatay mo.

Pinagkait n'yo sa kaniya ang dapat sa kaniya!

Ricardo...

Lahat ng sinabi mong 'yan,

Pero totoo...

Totoong malaki ang kasalanan ko kay Cecilia.

Ricardo...

Hindi puwedeng habambuhay tayong nakakulong

sa sakit ng nakaraan.

Alam kong hindi ko na mababawi ang ginawa ko,

pero gusto kong marinig mo mula sa akin.

Patawad.

Patawarin mo ako.

Patawarin mo ako.

Patawarin mo ako.

Lumuhod ka sa harap ko.

Mama... Mama...

Ricardo...

Hindi mo na kailangang idamay lahat sila.

Sa ating dalawa na kailangang matapos

ang lahat ng sakit at galit na ito.

Dahil hindi na 'yan kasama sa ipapamana ko sa anak ko.

Luhod!

Tama na!

Enzo!

Enzo!

- Martin! - Pa!

Ricardo, tama na! Tama na! Parang awa mo na!

Tama na, Ricardo!

R-Ricardo, huwag ang anak ko.

Huwag!

Panoorin mo 'to, Diana.

Ricardo!

Tay!

Tatay! Tay!

Tatay, gising!

Tulong!

Tay!

Sabi nila, isang bata ang ipinapanganak

kada apat na segundo sa mundo.

At tuwing may isang batang ipinapanganak,

isang ina din ang isinisilang.

Si Ate?

Nasa loob pa rin silang dalawa ni Patricia.

Scalpel.

Ate...

Patawad.

Patawad, Ate.

At sa bawat pagsilang,

nagbabago ang mundo para sa isang ina.

Kapag nagsilang siya,

hindi na niya hawak ang buhay niya.

Nabubuhay na siya para sa anak niya.

Pero may mga inang may sugat

na hindi nakikita sa katawan.

Na pilit lumalaban kahit anong sakit ang dala nila.

Hindi ko pababayaan ang mga anak natin.

Kaya lahat gagawin nila

para sa kinabukasan ng anak na nakasalalay sa kanila.

Maraming ina ang nagkakamali.

Pero ang pagmamahal din ang dahilan

para ang isang anak, matutong magpatawad.

Matagal kaming nagkahiwalay ni Patricia.

Pero may ibang plano ang tadhana at muli kaming pinagtagpo.

Noong magkasama na kami,

naisip kong pagkakataon ko na

para gawin ang tungkulin ko na protektahan siya.

Kaya sa bawat pagkakamali niya,

gusto ko siyang saluhin.

Sa bawat pagkatalo niya, gusto ko siyang ipaglaban.

Pero napagtanto ko...

Hindi na mababawi ang mga oras na nawala.

Pero nakita ko...

kung paano niya natutunang...

lumaban para sa sarili niya.

kundi bilang isang babaeng may sariling paninindigan.

Isang babaeng natutong tumayo

kahit walang sasalo sa kaniya.

Kaya ngayon,

handa na ako.

At buong puso kong ipinagkakaloob siya...

...at sa kaniya...

ang kompanyang itinayo,

inalagaan,

at minahal ng buong pamilya Aragon.

La Familia,

salubungin ninyo ang bago ninyong CEO,

Patricia Aragon Dela Cruz.

Mahal kita, anak.

Magsisimula tayo ulit.

At tayo ang magtatayo ng bagong La Familia.

Ipinagmamalaki kita.

- Mahal kita. - Mahal kita, Mama.

Mama...

Can't find what you're looking for?
Get subtitles in any language from opensubtitles.com, and translate them here.