Afrikaans
Akan
Albanian
Amharic
Armenian
Azerbaijani
Basque
Belarusian
Bemba
Bengali
Bihari
Bosnian
Breton
Bulgarian
Cambodian
Catalan
Cebuano
Cherokee
Chichewa
Chinese (Simplified)
Chinese (Traditional)
Corsican
Croatian
Czech
Danish
English
Esperanto
Estonian
Ewe
Faroese
Filipino
Finnish
French
Frisian
Ga
Galician
Georgian
German
Greek
Guarani
Gujarati
Haitian Creole
Hausa
Hawaiian
Hebrew
Hindi
Hmong
Hungarian
Icelandic
Igbo
Indonesian
Interlingua
Irish
Italian
Japanese
Javanese
Kannada
Kazakh
Kinyarwanda
Kirundi
Kongo
Korean
Krio (Sierra Leone)
Kurdish
Kurdish (Soranî)
Kyrgyz
Laothian
Latin
Latvian
Lingala
Lithuanian
Lozi
Luganda
Luo
Luxembourgish
Macedonian
Malagasy
Malay
Malayalam
Maltese
Maori
Marathi
Mauritian Creole
Moldavian
Mongolian
Myanmar (Burmese)
Montenegrin
Nepali
Nigerian Pidgin
Northern Sotho
Norwegian
Norwegian (Nynorsk)
Occitan
Oriya
Oromo
Pashto
Persian
Polish
Portuguese (Brazil)
Portuguese (Portugal)
Punjabi
Quechua
Romanian
Romansh
Runyakitara
Russian
Samoan
Scots Gaelic
Serbian
Serbo-Croatian
Sesotho
Setswana
Seychellois Creole
Shona
Sindhi
Sinhalese
Slovak
Slovenian
Somali
Spanish
Spanish (Latin American)
Sundanese
Swahili
Swedish
Tajik
Tamil
Tatar
Telugu
Thai
Tigrinya
Tonga
Tshiluba
Tumbuka
Turkish
Turkmen
Twi
Uighur
Ukrainian
Urdu
Uzbek
Vietnamese
Welsh
Wolof
Xhosa
Yiddish
Yoruba
Zulu
"Ang Pinakasuwerteng Bata Sa Mundo."
Ang anghel daw ay may pakpak At nasa langit
Pero ang anghel ko, Nasa tabi ko at hindi umaalis
Sinisigurado niya na ako ay busog At laging masaya
Sa bawat laro at tawa, Siya ang aking kasama
Ang nanay ko, Hindi napapagod na ako ay yakapin
Ako ay laging payapa at ligtas Sa kaniyang piling
At dahil mahal ako ng Mama ko,
Wala na 'kong mahihiling na kahit ano
Ako…
Ang pinakasuwerteng anak sa mundo
- Chairmom! Chairmom! - Ms. D! Ms. D! O…
- Be careful. - Yes, ma'am.
- Ms. D. - Yes.
Meron ka raw malaking announcement ngayong anibersaryo ng La Familia.
May spoilers po ba, Chairmom?
Kayo, sa'n n'yo narinig 'yan?
I'm sorry, no spoilers.
A, ma'am, hindi po ba ngayon
ang anibersaryo ng sunog sa pabrika n'yo noon?
Ano po'ng masasabi n'yo?
Celebration po ba ang araw na ito,
imbes na paggunita sa trahedya?
Bilang ina ng La Familia,
sinisiguro kong inuuna namin lagi ang kompanya,
ang proyekto para sa mga empleyado,
ang mga prinsipyo namin sa trabaho,
at higit sa lahat, ang kaligtasan ng lahat.
'Yan ang sagot namin sa sunog.
Hindi paglimot, kundi pagbangon at pagbuo.
I'll see you later, okay? Maraming salamat.
- Salamat, Ms. D! - No more questions po.
Ikaw kasi…
Isang magandang umaga, Ms. D!
Kasingganda po ng suot n'yo ngayon!
Napakalakas ng dating n'yo,
- at nanay na nanay. - Good morning, Ms. D.
Yes, ang ganda n'yo po lalo!
O, tama na ang pambobola.
Nakahanda na ba lahat?
A… Siyempre, Ms. D! Ayos na po ang lahat.
Ako po mismo ang nanigurado na maayos ang takbo ng lahat.
Sinigurado ko po na wala na pong aberya.
Wala na po kayong dapat ipag-alala.
Ay, dapat lang na wala.
Opo, opo.
- Hmm. - Enzo.
Good morning, Ms. D.
Naghihintay na po ang lahat.
Okay.
Halika rito!
Pigilan n'yo 'yang babae na 'yan!
- Hoy! - Kunin n'yo!
- Anak ko! - Kunin n'yo!
Wag mong kunin ang anak ko!
Tara! Tara!
Cut! Cut! Cut!
Ano ba 'yan? Pinakita n'yo 'yong manika!
Binuko n'yong hindi tunay na bata! Ano ba 'yan?
A… Kumusta po 'yong acting ko do'n?
Binigay ko po lahat ng emosyon ko, di ba?
Ay! Excited? Hindi take 'yon, beh, ano ba!
Gusto lang ipakita ni Direk kay Bianca at saka kay Daniela
kung ano 'yong mangyayari sa eksena.
Ilusyonada ito. First time? First time?
Direk, saglit lang.
Okay na 'yon, Sandy.
O, Daniela, anak, nakita mo? Ikaw 'yong girl na 'yon.
- Alam mo na gagawin mo, ha? - Opo, direk.
Bianca. Ikaw 'to, nakita mo 'yong gagawin mo?
Sorry, direk.
E, 'yong manager ko kasi, nag-text, e.
Pasensiya na, direk, hindi ko nakita.
Sandy, uulit tayo.
Mula sa umpisa.
Sasabihan mo 'yong stand-in, ipaulit mo sa stand-in.
Sabihin mo, maraming sapak, ha?
Pati 'yong dapa, ha? Padapain nang maraming beses!
Ulitin daw, a… Dadagdagan 'yong bugbog,
dadagdagan 'yong dapa. Okay?
From the top. First position, let's go!
- From the top, direk? - Bingi? Bingi tayo, beh?
- Di po. - Buti naman. Let's go, let's go!
- Reset! First position! - Bessy, kaya mo pa?
- Let's go, let's go! - Kakayanin.
Mula sa simula!
Five, four, three…
Magandang hapon sa inyong lahat,
at welcome sa napakaespesyal na pagdiriwang na ito
para sa La Familia Corporation.
Ipinagdiriwang natin ngayon ang isang mahalagang yugto ng La Familia.
Sa pagdiriwang natin ng ating ika-50 na anibersaryo,
gagawin natin ang pinakamalaking hakbang sa ating kasaysayan.
Ngayon, narito na ang babaeng namumuno sa La Familia
tungo sa hinaharap.
Ang Chairmom ng bayan,
Diana Aragon!
Magandang hapon sa inyong lahat.
Salamat sa pagpunta n'yo.
Naging bahagi ang Cala Soda
ng bawat pamilyang Pilipino sa maraming henerasyon.
Lagi kong sinasabi
na kami 'yong silent member ng bawat pamilyang Pilipino.
Kasama sa mga okasyon, sa milestones.
Dahil 'yon naman talaga ang naging tatak ng La Familia.
Sa pagdiriwang natin ng ating anibersaryo
na kasama ninyo sa buong bansa,
ay ginagawa namin ang aming tradisyon
na feeding program sa iba't ibang komunidad.
Pero ngayong araw,
gagawin natin ang pinakamalaking hakbang sa ating kasaysayan.
Ikinararangal naming ibahagi sa inyo
ang partnership sa pagitan ng La Familia at Burger City International.
Mabibili na rin ang Cala Soda
at ang buong hanay ng mga inumin ng La Familia
sa kanilang mga sikat na fast food chain branches
sa opisyal na pagpapalawak ng operasyon ng La Familia
sa Asia-Pacific Region.
Pero hindi lang po 'yan ang sorpresa sa araw na ito.
Buong pagmamalaki kong ipapakita sa inyo
ang bagong logo
na ipinagdiriwang ang partnership sa pagitan ng La Familia at Burger City.
Oh, my…
O, kayo! Baka nauuhaw na kayo, a.
- Kape, tubig, o. - O, bessy. Dami kang benta?
Nagpalista pa nga si kuya, e.
Ano, nauuhaw ba kayo?
Tubig, kape? Gusto n'yo ba?
Bili na kayo.
Direk!
A… Merienda ka muna, o! Fried siopao.
Naku, specialty ko 'to.
- O. - Magkano ba 'yan?
Ay, wala. Libre na sa 'yo, Direk.
- Baka may lason 'to, a. - Wala!
Mmm. Sarap, a.
Salamat po.
A… Direk, baka naman sa susunod, puwedeng…
isama n'yo ulit ako sa next show n'yo?
- Mm-hmm. - Saka wag nang stand-in!
Kahit talent with lines, kayang-kaya ko 'yan!
Kita n'yo naman kanina, lahat kaya kong gawin.
Napakasipsip talaga. Bida-bida.
Dapat diyan, tinuturuan ng leksiyon, e.
- Anong leksiyon? - Ay, salamat po.
- A. - Direk!
- Magbabaklas na tayo. - O, tara na. Ano pa'ng hinihintay n'yo?
Portalets! Babaklas na tayo. 'Yong service, naghihintay na.
- Ito na, ito na. - Patricia, 'yong balabal?
A, ito.
O, hindi ka pa nagpapalit?
Magpalit ka na, baka mawala 'yong costume.
Sige po, sige po.
- Sige ha, hintayin ko. - Opo.
- Mauna ka na. Sunod na lang ako, ha? - Sure ka, a?
- A, oo. Kita tayo do'n. - Sige.
Patricia. Nasabi na ba sa 'yo na iba na 'yong babaklasan?
- O? Saan na? - Ito.
- Thank you, a. - Welcome.
A… Dito na lang po.
Salamat po.
CALLE INDUSTRIA
- Hello, ma'am? - Nasa'n ka na?
Magsisimula na tayo!
A, opo, nandito na po ako. Andito po ako sa may… Calle Industria.
Ano'ng ginagawa mo diyan?
Ang sabi po ng kasama ko, dito raw po nilipat 'yong location, e.
Hindi binago ang location! Nakakaloka!
Punta na lang po ako diyan. Habol po ako.
Aba! Hindi ko na problema 'yong di n'yo pagkakaintindihan.
Ay, hindi, ma'am, aabot ako! Malapit lang ho 'yan!
Hello? Ma'am? Hello?
Ano'ng nangyari?
Pasensiya na po talaga, Ms. D.
Si Mabel po talaga ang responsable do'n.
Siya 'yong inutusan ko para ayusin 'yong technical rehearsals.
Hindi niya ginawa nang maayos ang trabaho niya.
Gano'n ba?
Yes, Ms. D.
Alam mo naman siguro ang nangyayari
sa mga taong hindi umaabot sa expectations ko, di ba?
Siyempre. Ngayon din po.
- Mabel. - Ma'am!
- I'm so sorry. You're fired. - Ha?
Ma'am. Please.
Wala na akong magagawa. Si Ms. D na ang nagsabi.
Kaya iligpit mo na ang mga gamit mo.
Sorry, you're fired. Bye! Bye!
Gusto kong tanggalan mo ng access si employee number 42568.
Pakisundo na rin agad dito sa building.
- Enzo! - A…
Don't.
She's fired.
- Ms. D… - Ms. D?
Alam mo naman siguro bakit ko siya tinanggal, di ba?
Yes, Ms. D.
Dahil sobrang importante po nitong deal na 'to.
Hindi lang 'yon.
Ang pinakaayoko sa lahat ay isang leader na hindi marunong umako ng pananagutan.
Ang kapalpakan ng tauhan mo, kapalpakan mo rin.
At lalo na pag pinapasa sa ibang tao ang sisi
sa mga bagay na dapat responsibilidad niya.
Ms. D? Ms. D?
Ilang taon ka nang nagtatrabaho sa 'kin, Enzo?
A… Pitong taon na po.
Mula no'ng nag-graduate ako.
Congratulations. Ikaw na ang bago kong Chief of Staff.
Ms. D! Hayaan n'yong ayusin ko 'to!
- Halika na po, ma'am. - Ms. D! Hindi!
Hindi! Ms. D, wag po! Wag n'yo po akong tanggalin, Ms. D!
One more chance, Ms. D! Ms. D!
Naku, kuya! Bigyan n'yo pa po ako… Kuya!
- Bessy. - O, bessy!
Sa'n ka nanggaling? Ano'ng nangyari sa 'yo?
'Yong bruhang Rizang 'yon, sa ibang location ako pinapunta.
Ha? E, siya ang pumalit sa 'yo.
E, kanina ka pa hinahanap, e.
Nasa'n na 'yon? Nasa'n na 'yong baba…
Riza! Riza, hoy!
Hoy! Hoy, harapin mo 'ko! Bakit mo ginawa sa 'kin 'yon?
- Una sa lahat, close ba… - Miss Bianca!
Ms. Daniela! On the set na po.
- Ms. Daniela! Miss Bianca! - Lumabas ka diyan, Riza.
- Nandiyan na, tara na. - Bessy, una na 'ko, ha.
- Kasama 'ko sa eksena, ha? - Sige na, pumunta ka na ro'n.
Sige na, sige na.
Nando'n na 'yong mga artista, Riza. Lumabas ka diyan!
Kausapin mo 'ko!
Wag kang lalabas.
Five, four, three, two…
- Action! - Ano sa 'yo?
A, miss…
Magkano ang isang barbecue?
Sam…
Sandy, 'yong reaksiyon.
- 'Yong linya! Patricia! - Sandy! Ano na?
- Ano na? Ano na? - Ano'ng nangyayari? Patricia!
Wala na tayong oras, o! Magka-cutoff na tayo!
Kaya ba niyan, ha? Kaya ba o hindi?
Pasensiya na po. Pasensiya na.
Opo, kaya po.
Pasensiya na po.
- Susmaryosep! - Direk, ako po 'yon!
- Ano, kaya? - Sorry nahuli!
Late ka!
- O, isa pa tayo. - Opo, sige po.
- Sige, ulitin natin. Mula sa umpisa. - Isa pa po, direk.
- Ikaw! - Hoy.
- Ikaw 'yong nagkulong sa 'kin sa portalet! - Hoy!
- Ano 'to? - Ang lakas ng loob mo gumawa ng eksena!
Ano'ng trip mo? Niligaw mo 'ko. Sa susunod, lumaban ka nang patas!
- Patas pala, ha? - Nag-aaway ba kayo sa set?
Halika rito!
Halika rito!
Kayong dalawa, umalis kayo sa set ko!
Sus ko!
Teka. Ba't kasali ako, direk?
Nagtatrabaho ako nang ayos dito, o! Kilala mo 'ko!
Saka hindi naman ako nanggugulo sa set.
- Direk, ito, siya ang namisikal agad, o! - Siya ang unang nanugod.
- Siya talaga, direk. - Sandy, tanggalin mo 'yan!
Utang na loob!
Ayos ka lang ba?
- Nakakaloka kayo! - Sige, sige, sige! Ulit, ulit!
- Ayos ka lang? Sige! - Oo, direk.
- Simulan ulit natin! - Kaya, kaya.
Patricia, 'yong linya, ha!
- Sige, handa na? - Opo, opo.
- Ready. - Roll!
Rolling! Five, four,
three, two…
- Action! Action. - Action!
A, miss…
magkano ang isang barbecue?
Sampu.
Ang sabi niya sa 'kin, tanggalin.
"Tanggalin mo siya." Tapos pagdating ko do'n…
Ms. D! Ms. D!
- Ms. D! Ms. D! - Ms. Cynthia. Ms. Cynthia.
Pakinggan n'yo naman po 'ko, Ms. D, please!
Bitawan mo 'ko, Enzo! Ms. D!
Hindi ko naman po kasalanan!
Nagkaproblema po 'yong prop!
Di po ako 'yon!
Gano'n talaga ang nangyayari pag ang mga taong tulad mo
ay hindi handa.
I-isang kasalanan?!
Sa labinlimang taon kong serbisyo sa inyo?
Ms. D naman!
Isang pagkakamali
na ginawa mo sa pinakaimportanteng araw
na gagawa ng kasaysayan para sa La Familia sa buong mundo!
Kaya wag kang umarte na parang nakakaawa ka,
na parang ginawa ko 'to sa 'yo.
Ikaw ang gumawa nito sa sarili mo!
Hindi ito ang unang beses na pumalpak ka.
Ilang beses ka nang binigyan ng warning.
At 'yan ang ibig sabihin ng pananagutan.
Hindi 'yon pananagutan!
Kalupitan 'yon!
Kaya… Kaya walang nagmamahal sa 'yo, e!
Kaya 'yong pamilya mo, iniwan ka!
Kaya… Kaya ka mag-isa!
Chairmom? Puro ka palabas!
Karma ang maniningil sa inyo!
Karma lang 'yon. Si Diana Aragon ako.
Demonyo ka! Demonyo ka! Sinira mo'ng buhay ko!
Sinira mo'ng buhay ko!
A, kakarmahin ka! Kakarmahin ka!
Kakarmahin kayong lahat!
La Familia!
Ano… Ano'ng amoy 'yon?
May nagluluto ba ng danggit?
Sa likod po kami nagluto, Ms. D.
Kanina pa po.
Hindi ba ilang beses kong sinabi, ayokong makakaamoy niyan dito?
Diana, mukhang pagod ka.
Halika, nakaluto na si Chef.
Pambihira naman, yaya. Di ba sinabi ko na noon pa?
Ayokong nakakaamoy ng danggit dito.
Hayaan mo na, pagsasabihan ko sila.
Oo nga pala, sa isang araw, death anniversary ng Papa mo.
Napalinis ko na 'yong musoleo tulad ng utos mo.
Salamat, yaya.
Sigurado akong ipinagmamalaki ka ng Papa mo.
Ang layo na ng narating ng La Familia mula no'ng…
Ihahanda ko na 'yong pagkain.
- A, hala ka, Jena. - Ay!
- Makikiraan nga. - Hello po.
And three, four, five, six, seven, eight, nine, ten.
Nakapagsaing ka na ba?
A, ano? Ay!
'Te, teka lang! Gagawin ko lang 'to.
Saglit lang. Matatapos…
Malapit na 'to matapos. Teka lang, teka lang.
Wag na, ako na.
A… Thank you, 'te!
Uy!
- 'Nay! - Sayaw nang sayaw 'yan.
'Nay.
Ay, 'Nay. Meron ka pong 250?
Jena naman, kagagaling ko lang sa trabaho,
tapos 'yan ang salubong mo sa 'kin?
Kailangan na kasi, 'Nay, e.
Ba't ngayon mo lang sinabi?
Alam mo naman na petsa de peligro na ngayon.
Ako na po'ng bahala, 'Nay.
Nabigay na rin po 'yong bayad sa 'min kanina.
Salamat naman!
Ay, 'yong gamot pala ng Papa mo, ubos na rin.
- Two hundred fifty… O. - Ay! Thank you, ate.
Mm-hmm.
Basta mag-aaral mabuti, ha?
Gayahin mo si April. Consistent na first honor.
Hala! Consistent rin naman ako, 'Te, a.
- Hmm? - Consistent muse.
- Pak! O! - Ay.
Hay naku.
Ayan.
'Yan si Jena, naku, magiging beauty queen 'yan.
Tapos si April, kapag nakapagtapos 'yan,
naku, sigurado, buhay-donya na 'ko.
- Happy birthday to you - Happy birthday to you
- Happy birthday to you - Happy birthday to you
- Happy birthday, happy birthday - Happy birthday, happy birthday
- Happy birthday to you - Happy birthday to you
Happy birthday, anak.
O, hipan mo na 'yong kandila.
Pero teka. Wish ka muna.
- Yehey! - Happy birthday, Ate.
Salamat po, Papa.
Birthday mo nga pala.
Naku naman. Ba't hindi mo sa 'kin sinabi?
Patricia naman, e. Hindi ka naman kasi nagsasabi.
Di sana, kahit pansit man lang, nakapagluto ako.
Ang dami-dami ko kasing iniisip no'ng na…
- Tsk. Nakaligtaan ko na. - Ayos lang po 'yon, 'Nay.
Alam n'yo rin namang ayokong nagce-celebrate, di ba?
- Anak. - Po?
- Ano 'yan? - Ay.
Sino'ng nanakit sa 'yo? Sabihin mo sa akin kung sino.
O, o, o! Pa, kalma! Tss!
E, medyo action-action kasi 'yong eksena kanina, e.
Pero wag kayong mag-alala. Malayo sa bituka.
E, Ate, kailan ba namin mapapanood 'yang ano,
'yang action-action mo?
Wag na! Hindi naman kita 'yong mukha ko do'n, e.
Saka body double lang ako no'ng bida.
Ano 'yon, sarili mong gawa, hindi mo mapapanood?
Basta.
Alam ko, balang-araw…
ikaw na ang magiging bida.
Uy, kainin na natin 'to.
- Parang ang sarap. - Shh. Teka, teka, teka.
Ate n'yo muna.
Pa, parang may nakaabang ka ng panulak diyan, ha?
A, e… Birthday mo naman, e.
Celebration.
- Hmm, celebration! - Mm-hmm.
Ang birthday wish ko, wag na kayong uminom.
- Ikaw naman, o. - Hindi na. Tubig na lang.
- Di ba, 'Nay? - Mm-hmm. Oo nga.
Batiin n'yo mamaya.
Hilaw pa…
Tawagin ang chef.
- Bilisan mo. - Ano po 'yon, Ms. D?
Hilaw pa 'to.
Medyo mapula lang talaga 'yong parte na…
Sa lahat ng ayoko, 'yong puro dahilan.
Turkey 'to. Poultry.
Hindi ba ang poultry, hindi sinisilbi nang hindi lutong-luto?
Bibigyan mo 'ko ng salmonella? Papatayin mo 'ko?
Umupo ka.
- Ma'am? - Umupo ka.
Tikman mo.
Masarap?
Akin na 'to! Ako naghugas ng plato kanina!
Ako naglinis ng banyo!
Ano ba kayo?
Sa ate n'yo 'yan, kasi pagod na pagod siya galing trabaho.
Sige na, kumain ka pa. Birthday mo, wag ka na mahiya.
Sige na, sa 'yo 'yan.
O, ayan, a. Pantay na pantay 'yan.
Hating kapatid. O.
The best ka talaga, Ate.
Uy, si Ate, pa-Mama Mary na.
Pa. Teka muna, wala nang tubig. Kuha ako.
Martin Dela Cruz, lumabas ka diyan! Harapin mo kami!
- Lumabas ka! Lumabas ka! - Lumabas ka dito!
O…
Kapitana, ano hong problema?
Tinangay ng tatay mo lahat ng pera namin!
Ho?
- Pa? - Ang sabi niya…
tutulungan niya kami makakuha ng hanapbuhay package sa gobyerno!
Processing fee lang daw ang kailangan!
E di, 'yon! Binigay namin sa tatay mo!
Pero malaman-laman namin, wala palang gano'n!
- Oo nga! - Sinungaling!
Siguro, magkakuntsaba kayo ni Carlota, 'no?
Di ba nagtatrabaho 'yan sa munisipyo?
Uy, grabe ka makabintang, ha!
Walang ginagawa si Martin!
Si Mr. Dimayuga ang may pakana nito!
Wala akong alam diyan!
Sa kaniya n'yo hanapin 'yong pera n'yo.
Nahuli na si Dimayuga!
Wala ka pa raw ineentrega sa kaniya!
Wag ka na magmaang-maangan!
- Oo nga! - Tama!
- Pa… Ano'ng sinasabi nila? - Magsisinungaling pa kayo, ha.
Ano'ng ginawa mo sa pera nila?
Sus! Kunwari walang alam!
A-ako ho, wala ho talaga akong alam!
Ang alam naming lahat, kung gaano kayo kabaon sa utang!
Hindi na nga kami nagtataka, e! Mga desperado kayo!
Dapat sa inyo, ikulong! Mga walang-hiya!
Ano ba kayo, wag naman kayong ganiyan!
- Kailangan niyang mabulok sa kulungan! - Ano, Martin?
Do'n ka magpaliwanag sa mga pulis!
Pa! Saglit lang!
- Saglit lang ho! - Siya 'yon, sir!
Martin Dela Cruz, sumama ka sa 'min sa presinto.
- Sandali, sandali! - Sandali! Sandali lang ho!
Sandali lang! Sandali lang!
- Sir! - Wag!
Dalhin n'yo na 'yan!
Ituring mo 'yan na huli mong pagkain sa bahay na 'to.
Ma'am?
Di ko kailangang laging patunayan na tama ako.
You're fired.
Hello?
Ms. D… may nangyari pong aberya sa feeding program.
Anong aberya?
Nagkaro'n po ng food poisoning sa feeding program natin
sa Corpuz City.
Cala Soda po ang itinuturo nilang rason.
- Ano? - One hundred twenty-five na po ang biktima
at nadaragdagan pa po. Malalang food poisoning po, Ms. D.
Karamihan po ng mga biktima ay bata at matanda.
Nakumpirma bang soda natin ang dahilan ng poisoning?
Naghihintay pa tayo ng mga final result,
pero sa unang report, posibleng kontaminado ang soda.
Hindi sagot ang "posible."
Saang planta galing ang… ang produkto?
A, a… Kukumpirmahin ko po ngayon, Miss…
Hindi ba dapat alam n'yo na bago ako nagtanong?
Bigyan n'yo ako ng sagot!
Nakausap na rin po namin ang pamunuan ng ospital
at ang mga pamilya ng biktima
na tayo po ang sasagot ng mga gastusin nila sa ospital.
Tawagan mo na ang Legal.
Pahanda mo na 'yong compensation packages.
Sige po, Ms. D.
Ms. D? Nasa linya po ang Burger City International.
Si Diana Aragon ito.
Diana, dederetsohin na kita. Sobrang dismayado kami.
Hindi naging maganda ang unang launch, pero kaya namang ayusin.
Kontrolado namin ang sitwasyon. Iniimbestigahan na…
Hindi basta "sitwasyon" lang ang pagkalason ng mga bata!
Hindi puwedeng maiugnay ang Burger City International
sa ganiyang klaseng iskandalo.
Hindi, hindi, hindi. A…
Bigyan mo ako ng 24 hours. Maaayos namin 'to.
Inaayos na namin 'to.
Nakapagdesisyon na ang board.
Tinatapos na namin ang partnership, agad-agad.
Pasensiya na, Diana.
Hindi, hindi, pero…
- Tawagan mo sila ulit. - Opo, ma'am.
Tinatawagan na sila ni Georgia.
Tita.
Tita, hindi na sila sumasagot.
Wala rin pong sagot, Ms. D.
May makapagsasabi ba sa 'kin kung bakit nangyari 'to?
May nakakaalam ba sa inyo ng dahilan kung bakit nangyari 'to?
Ang lahat ng 'to? Wala kahit isa?
Wala?
Alam n'yo ba kung ano'ng nakasalalay sa deal na ito?
Ngayon, mawawala na 'to
kasi wala kayong mabigay na sagot sa 'kin!
Puro unutil ba ang mga empleyado ko?
Pa'no nangyari 'to?
Hindi ko kaya… Hindi puwedeng mawala ang partnership deal na 'to!
Kailangan kong maintindihan kung ano ang nangyayari!
Ngayon din! Kailangan ko ng sagot!
Bigyan n'yo 'ko ng sagot!
- Ms. D! - Ms. D?
- Ms. D? - Ate! Ate!
- Ms. D! - Tita.
- Ambulansiya! - Tumawag kayo ng ambulansiya! Bilis!
Ms. D? Ms. D?
Wala pa ring pulso ang pasyente. Showing signs of V-tach.
Tuloy lang ang CPR.
- Charge the defibrillator… - No pulse.
…to 200J biphasic.
- Clear na lahat? - Clear!
PARA SA TUITION ₱2,000
Huwag mong sabihin, pati 'yan, gagalawin mo?
Ilang buwan mo 'yan inipon!
Para dito sa renta natin!
At saka, di ba sabi mo, nag-iipon ka para pang-tuition mo,
kasi ang sabi mo, gusto mo mag-aral ulit!
Mag-iipon na lang ulit.
Ang importante, mapiyansahan natin agad si Papa.
E, Ate… Kasya na ba 'yan?
Hindi ko nga alam, e!
- O, di, sasanla ko rin 'to. - O, tapos?
Pag nasangla? Kakasya na ba?
Ay, di ba, may sikat na app ngayon? 'Yong nagpapautang?
Tulungan mo naman ako, o. Saan ba 'yon?
Ate, ang laki ng interes doon!
At saka na natin problemahin 'yon.
Ano ba 'yan kasi, e! Bakit kasi tayo pinanganak na mahirap?
Sana naging nepo baby na lang tayo! 'Yong lalangoy na lang sa pera!
O kaya naman, 'yong nawawalang heredera.
Tapos may lolo tayong mayaman na hinahanap tayo.
Tapos pamamanahan tayo, 'yong gano'n!
Sa palabas lang nangyayari 'yon, Jena.
Kailangang may mamatay para magmana 'yong heredera.
Hala, saan ko nga ba nakita 'yon? Sa Facegram, di ba? Do'n ba 'yon?
Akin na nga! Titingnan natin. Wait lang!
Ay, teka, ano 'to?
Nasa Central Crest Hospital and Medical Center po tayo ngayon
kung saan sinasabing nakaratay ang CEO ng La Familia Bottling Company.
Base sa initial reports,
inatake sa puso si Diana Aragon,
kilala bilang Chairmom ng La Familia,
matapos pumutok ang issue ng food poisoning
sa isang feeding program nila.
Tinuturong ang Cala Soda diumano ang sanhi ng pagkakalason.
Sa ngayon, naghihintay pa rin kami ng pahayag
mula sa kapatid niyang si Mr. Teodor Aragon.
Bukod sa kaniya, wala nang immediate family
si Ms. Aragon dito.
Pero base sa nakalap naming impormasyon,
may nag-iisang anak na babae
- si Ms. Aragon… - Wow. May nawawalang anak?
Ang suwerte naman no'n! Matik, tagapagmana!
Sa gitna ng walang kasiguraduhang
sitwasyon ngayon, ang tanong ng lahat,
nasaan na ang nag-iisang tagapagmana ng La Familia?
Mama!
Ay, ma'am, ma'am!
Excuse po. Sino po kayo?
Kuya, ako 'yong tunay na anak ni Diana Aragon!
Nasaan 'yong mama ko?
- Nasaan… - Hoy, hoy! Hindi, ha!
Ako 'yong tunay na anak ni Diana Aragon!
Hoy, teka, teka, teka! Huwag kang maniwala sa kanila.
Ako ang tunay na anak. Mukha bang mayaman 'yan?
Sandali po!
Nurse, ang sakit ng tiyan ko!
Ma'am, dalhin na po kita sa loob.
Excuse me! Excuse me!
Excuse me!
Excuse me! Makinig po kayong lahat!
Konting respeto lang po sana kay Ms. D, 'no?
Please, kailangan po ninyong umalis. Ngayon na.
- Okay? - Ano masaya ka na?
Guards!
Uy, Gary! Kanina ka pa hinahanap ni Doc Reyes, a!
May pasyente po ako, e!
A, hindi, hindi. Kaya ko na 'to, kaya ko na.
- Sure ka, ma'am? Okay ka na? - Oo, kaya ko na. Salamat.
- Sige po. - Bahala ka.
So, 'yon na lang po. Labas lang po tayo.
Guards, please, bantayan n'yo 'tong lugar.
- Yes, sir. - Yes, sir.
Excuse me!
Excuse me!
Pambihira naman talaga, o!
Di ba, sinabi ko na sa inyong mga press?
- No coverage muna! - Sir, isang katanungan lang.
Hindi pa kami handa magbigay ng statement sa ngayon.
Okay?
Please, alis muna kayo.
Jena!
'Tay!
'Tay! Nakalaya ka na, 'Tay!
- 'Tay! - O? Ano?
Kumusta kayo doon? Okay lang kayo?
Hindi ba masakit 'yong higaan doon?
Hindi ba mainit do'n, Tay?
Medyo mainit, pero ayos lang ako.
'Yong paa n'yo kasi, e.
Ay, sobrang miss na miss naman!
- Ano? Pagtimpla kita ng kape. - O, sige.
Kumusta kayo?
Wala na tayong kape. Nagpabili ba kayo sa Ate n'yo?
Ay!
'Nay! Sinabihan ko 'yon!
Pero baka nakalimutan niya na kakaayos ng gusot ni Tatay.
Pero, 'Tay… Buti na lang talaga, nagawan ng paraan ni Ate pampiyansa n'yo.
Teka…
Saan siya kumuha ng pera?
Ginamit po ni Ate 'yong ipon niya at saka utang.
Saka sinangla niya rin po 'yong kuwintas niya.
Ibabalik ko na lang 'yong nagastos niya.
E, nasaan ba 'yong Ate n'yo?
E, hindi ko rin po alam, 'Nay, e.
Aah…
May mga pangarap na
Naiwan sa kahapon
Sabi niya po, pupunta siya.
Ako lang po 'yong walang mama.
Malamang, anak, may ginawang importante ang Mama sa opisina.
Mas importante kesa sa 'kin?
E, nandito naman si Papa, e!
Papa naman, e. Mother's Day po. Hindi naman kayo mother.
Ay, may naisip ako.
Gusto mo ng ice cream?
Kahit sabi ni Mama, bad ang sweets sa 'kin?
Basta, secret na lang natin ni Papa 'yon.
Ha? Okay?
Kailangan mo 'to.
Ay, thank you.
Halata ba ang sakit na ng ulo ko?
Alam mo, kabisado ko lahat ng kunot ng noo mo.
Hindi mo na kailangang gawin 'yan.
Bookkeeper ka na ng kompanya.
Ibig sabihin ba no'n, titigil na 'yong pagiging kaibigan ko sa 'yo?
Siyempre, hindi!
Ano kaya ang gagawin ko kung wala ka?
Mm-hmm.
Ay! Pakitanggal nga ito.
- Tulungan mo ako. - Bakit?
Di ba, mas bagay sa damit mo?
- Sigurado ka ba? Ano 'to? - Mm-hmm.
Hiram o bigay?
Bigay, siyempre! Alangan namang hiram!
Excuse me.
Patricia!
Ano'ng ginagawa mo?
Gusto ko na po mag-blow ng cake!
Diyos ko! Tumigil ka nga. Please!
Huwag na huwag kang kakain nang kamay lang ang gamit, okay?
Panatilihin mong malinis at maayos ang sarili mo.
Tingnan mo si Enzo at saka si Georgia do'n, o.
Behave lang sila.
Kung ano'ng inutos ng magulang, sunod sila agad.
Ewan ko ba naman, anak, bakit…
bakit ikaw, ang tigas-tigas ng ulo mo!
Sayang ang pagiging Aragon ko,
kung hindi ako maaasahan ni Papa sa kompanya.
- Hindi ba? - Siyempre.
Pero… Alam mo, balang-araw,
makakaalis din ako sa anino niya
at makapagpatayo ng sarili kong kompanya.
- Dapat lang. - Di ba?
Nasaan na nga pala 'yong damit na binili ko para sa 'yo?
Bakit ito ang suot mo?
Makati po kasi!
- At saka birthday ko naman po. - Sandali lang, a?
Kaya nga, anak! Birthday mo! Sayang, hindi mo sinuot.
Kasi maganda 'yong damit. Maganda ka. Sayang!
Sayang. Tingnan mo, namantsahan pa 'to ngayon.
Ayos lang 'yan.
Martin, tingnan mo ang ginawa niya sa cake.
Sinundot niya nang sinundot. Ayan, tinikman, o.
Namantsahan siya, nasira ang cake.
Sira na ang lahat.
Relax.
Kaya hindi matuto 'yong anak mo, e.
Bata si Patricia!
Hayaan mo siyang mag-enjoy.
Birthday niya ngayon.
Oo nga, pero kailan siya matututo? Pag matanda na siya?
- Ano ka ba. - Masyado naman seryoso ang misis ko.
- Ano ka ba. - Ha.
Ako na muna ang bahala rito kay Patricia.
Ako muna ang mag-aasikaso.
Ako na.
Martin, ikaw na bahala kay Diana, kasi kanina pa 'yan tensiyonado.
O, sige, magkampihan na naman kayong magkaibigan.
Kayo talaga.
- Martin! - Mm?
Ano'ng ginagawa mo?
Hindi ba, ayaw ni Papa na nagsisigarilyo ka!
Patay ka na naman. Ano ka ba!
Oo na, oo na. Hindi na, hindi na, hindi na.
Gaano na ba karami ang nainom mo?
Ayusin mo 'yong sarili mo diyan, hmm?
- Nakakahiya na… - Ay!
- What? - Alam mo na.
- Diyos ko, Martin. - Sasayaw tayo.
Martin, nakakahiya.
Halika rito.
- Alam mo, ilan na nainom mo? - Teka lang.
- Tingnan mo. Gaano… - Sandali lang. Sandali lang.
Tingnan mo. Ilan na nainom mo?
- Enjoy lang tayo! - Ilan na nainom mo?
- O, ikot, ikot, ikot. - Ano ba.
- Ayan! - Parang wala ka sa sarili. Sige.
Sorry po, sir.
Excuse me.
I'm sorry. Wala ito.
Huwag kayo mag-alala. Baso lang 'yan. Marami kami niyan.
At marami pa tayong inumin,
kaya tuloy lang ang party.
Nagkamali yata kayo ng pinuntahang okasyon?
Ano'ng akala n'yo? Family Day ito?
Ginawa ang pagdiriwang na 'to para sa negosyo.
Baka nakakalimutan n'yo ho?
Birthday din ng apo n'yo.
Wala ka na bang ibang kuwintas na maisuot na hindi nakakasilaw nang ganiyan?
Halika na, anak.
Diana, halika na.
Diana.
Nandiyan nga pala si Atty. Ignacio,
at kailangan natin siyang kausapin.
Importante.
Sumunod ka sa 'kin. Ngayon din.
Diana.
Nagsimula ang kompanya…
sa asukarera.
Hanggang sa mapadpad kami sa mga inumin,
na siya namang…
minahal ng bawat Pilipino sa maraming henerasyon.
Ang gabing ito ay hindi lamang pagtanaw sa nakaraan.
Ang gabing ito ay para rin sa hinaharap,
dahil ang isang family business…
ay hindi lang basta't ipinapasa…
sa susunod na henerasyon.
Ito ay pinoproteksyunan
at pinangangalagaan.
Mabuhay ang La Familia!
Oh, my god!
O, Martin!
Martin, tama na! Nakakahiya!
Ano ba.
At ngayon naman,
para sa tagumpay
ng pinakabago naming produkto.
Ang Cala Soda.
Isang produktong pinaunlad nang ilang taon.
Pinapaalalahanan lamang tayo…
na hindi namamana ang legacy.
Ito ay pinaghihirapan.
Ano ba.
Martin!
- Papa! - Martin, ano ka ba…
I'm so sorry!
- Hindi, okay lang. - Martin.
Cheers, Lucio!
Para sa pinaghirapan ng iba!
At pinakikinabangan naman ng makasariling pamilya!
Ang pamilya ng mga walang-hiya! Ang mga Aragon!
Ha! Ito. Nakikita n'yo 'to?
Cala Soda? Sa akin 'yan!
Sa akin 'yan galing!
'Yang recipe na 'yan, sa akin galing 'yan!
Pero alam n'yo ba, pagkatapos ng lahat ng pinaghirapan ko,
'yang unica hija na 'yan ang pinromote nila!
At no'ng nagreklamo ako,
ako pa,
ako pa ang tinanggal nila sa trabaho!
Guards, ilabas n'yo ang babaeng ito!
Totoo sinasabi ko!
- Magnanakaw kayo! - Okay lang 'yan.
- Kayo! Magnanakaw! - Tama na po.
Mga sinungaling!
Happy birthday to me
Happy birthday to me
Happy birthday, Patricia!
Ano ba 'yan! Hindi ka nag-iingat.
Sige na. Ayusin mo na 'yan.
Para sa recycle pa 'yan.
Bilisan mong makuha 'yan para makaalis na 'ko.
Ay, 'yong cake ko!
Tulong!
- Mama! - Kaya mong tumakbo? Ha?
Halika na, anak!
- Wag po kayong lumapit. - Tara.
Mommy! Mommy!
- Mommy! - Oh, my god!
Mommy!
Diana! Diana!
- Diana, ayos ka lang? - Carlota!
Nasaan si Papa? Alam na ba niya ang nangyayari dito?
Hindi ko siya nakita simula no'ng… no'ng party.
- Pero sige, makikibalita ako, ha? - Oo!
Alamin mo kung alam na niya, tapos sabihin mo sa akin.
Sige, sige.
Okay ka lang, ha?
O, basta. Dito ka lang, ha? Sandali, a…
- Tutulong lang ako sa loob. - Oo, sige.
- Ikaw na bahala kay Patricia. - Oo, oo.
Ano 'to?
- Ay… - Bakit meron ka nito?
- Ha? - Nag-blow lang po ako ng candle sa cake.
Saan ka nagsindi?
Sa factory?
Sa factory ka nagsindi?
Patricia, sabihin mo sa 'kin! Ano'ng ginawa mo?
Mama, hindi po ako!
Ang sakit!
Ay, Diyos ko! Diyos ko!
Oh, my god!
Oh, my god!
Tumabi kayo diyan! Tabi kayo diyan!
Tulungan n'yo, tulungan n'yo.
- Papa! Pa… Papa! - Diana…
Hayaan mong gamutin nila si Papa!
Sandali! Ano ka ba!
- Diana! - Papa!
Diana!
Papa!
Papa! Papa!
- Mama! - Papa!
Bitawan mo 'ko. Papa!
Hayaan mo na silang gamutin siya!
Magpapahinga na ako.
Mama…
Hello.
Sige, darating ako diyan sa loob ng 30 minutes.
A! Sige! A!
Mananagot kayo sa batas!
Wala na kayong kawala!
Kaya naman pala bumabagsak ka, e.
Puro ka panonood ng TV.
Akala ko, napapagod ka o nahihirapan ka kaya ikinuha kita ng tutor.
Ang sagot mo sa lahat ng questions sa exam mo,
puro D.
Ano ba talaga'ng problema natin?
May nambu-bully ba sa 'yo sa school?
Ha? May mali ba sa teacher mo?
Pinapagalitan ka ba?
O, talagang ayaw mo lang sumunod sa tinuturo?
- Sumagot ka. - None of the above po.
Patricia, ang dami kong pinagdadaanan ngayon!
Intindihin mo naman ako, anak!
Narinig mo? None of the ab…
Diana, may pamilya ka!
Kaya tayo nagkakaproblema dahil sa lintik na kompanya na 'yan!
Lintik na kompanyang 'yan?
'Yang kompanyang 'yan, na bumubuhay sa… sa atin?
Hindi lang naman ako nakikinabang dito! Di ba, tayong lahat?
O, di, ikaw na ang magaling. Boss ka, e!
Pero hindi mo lang ako empleyado, Diana. Asawa mo 'ko!
Kahit pagkatapos ng ginawa mo sa 'kin, asawa pa rin kita.
Nakalimutan mo na ba, Martin, kung pa'no kita pinagtanggol kay Papa?
Kung pa'no ko pinaglaban ang pamilya natin?
Hindi tayo magkakaroon ng problema
kung hindi ka naging sunud-sunuran sa papa mo.
Kung naging asawa ka lang sa 'kin,
at nagpakananay sa anak natin.
Kung sino man ang may malaking pagkukulang sa ating dalawa, ikaw 'yon.
Tama nga si Papa.
Maling-mali na nagpakasal ako sa 'yo.
Alam mo, Martin, paulit-ulit na lang, e!
Wala nang katapusan 'yang pagbibintang mo sa kompanya!
Lahat ng galit, kompanya!
Pagod na 'kong makipagtalo sa 'yo!
Maghiwalay na tayo!
Sige. Sige, maghiwalay na tayo!
Nakakapagod na rin maging asawa mo!
Sa tingin mo ba,
ikaw lang ang nagtitiis sa relasyon na 'to?
'Yon naman pala, e.
Di, umalis ka na.
Umalis ka na!
Mama!
Huwag mo pong paalisin si Papa!
Patri… Patricia! Kanina ka pa ba nandiyan?
Anak?
Bakit n'yo po papaalisin si Papa?
Ayaw na ng Mama mo sa 'kin, e.
- Dahil mahirap lang ako. - Martin!
Ako lang ba ang may pagkakamali rito?
Hihiwalayan mo 'ko na para bang sinasabi mong…
mali na nagpakasal tayo? Dahil nabuntis ka?
Pati ba si Patricia, iniisip mo, pagkakamali rin?
- Hindi ba? - Martin!
Huwag mong subukan!
Patricia, anak, doon ka muna sa labas.
Mag-uusap muna kami ni Papa, okay?
Parati mong inaaway si Papa!
- Hindi mo kami mahal! - Ano?
Hindi ka puwede umalis, Papa. Sasama ako sa 'yo.
- Huwag mo akong iwan sa kaniya. - Patricia.
Patricia…
Sa tingin mo, hahayaan kong mangyari 'yon?
Ako ang mama mo!
Kapag tumira po ba ako rito, makakasama ko kayo?
Parati naman po kayong wala!
Hindi mo naiintindihan.
Hindi mo naiintindihan!
Ako ang sinisisi mo sa nangyari kay Lolo!
Ano'ng sinabi mo?
Totoo naman po!
Mula no'ng nawala si Lolo, lagi na lang kayong galit sa 'kin.
Hindi n'yo na 'ko mahal!
Mas gusto n'yo, ako na lang namatay!
Patricia, huwag mong sabihin 'yan!
Martin, hindi! Hindi, Martin!
Martin, akin na ang anak ko!
Martin!
Dahil lagpas na sa pitong taong gulang
ang anak ninyo,
kailangan natin siyang pakinggan
at bigyan ng sapat na halaga ang kaniyang choice or preference.
Patricia?
Sino sa mama mo o sa papa mo ang gusto mong samahan?
Kay Papa po.
Yaya… Yaya Cora, si Diana po? Kailangan ko po siyang makausap.
Carlota, pasensiya na. Wala siya.
Anong wala? Alam kong nandiyan…
Ayun siya, o! Diana!
Diana!
Diana!
Diana, si Martin, naaksidente!
Kailangan namin ng tulong mo!
- Ma'am, pasensiya na po. - Diana!
Diana, si Martin!
- Diyos ko naman! - Ma'am, pasensiya na ho.
- Umalis na kayo. - 'Nay, tayo na! Umalis na tayo rito!
- Ayaw nila sa 'tin! - Diana!
- Umuwi na kayo, Carlota. - 'Nay, tayo na!
Diana, parang awa mo na!
'Nay, tayo na! Ako'ng gagawa ng paraan! Tayo na!
Code blue! Code blue!
Ms. D?
Hindi naman siguro ako bawal pumunta rito.
Ayaw ko lang namang mabagabag si Ate.
Gigising siya, tapos ikaw ang makikita niya.
Ano'ng kailangan mo? Pera?
- May bumisita po sa inyo. - Si Kamatayan.
- Si Patricia po. - Nasaan na siya?
Baka puwedeng dito muna kami.
Wala kasi kaming matutuluyan, e.
Anak mo pa rin si Patricia.
Nanay pa rin ba ang tingin niya sa 'kin?
Kailangan mong ipakita 'yong totoo.
Maaayos nito ang lahat.
Akala kasi ng mga tao,
- alam na nila lahat ng kuwento mo. - Mag-isa ka na.
Walang nakakatiis sa pag-uugali mo!
- Tama na po. - Tama na!
Can't find what you're looking for?
Get subtitles in any language from opensubtitles.com, and translate them here.